di mo ba naisip na minsan nakakatamad pag-usapan ang walang kamatayang pag-ibig? na konting lingon mo, ay puros 'lovelife' ang pinaguusapan ng iyong mga katabi. madalas mong mariring 'uy kamusta na kayo ni...?' o di kaya'y 'grabe, monthsary na namin' o kahit ano pang mga ka-cornihan na pwedeng maisip ng mga nag-iibigan. di ba kayo nagsasawa?

sa isang araw, malamang maraming mga mag-nobya ay kapiling ang isa't isa, kasama na rito ang mga lalaking nanliligaw, mga babaeng gustong magpaligaw at kung sino-sino pa. di ba sila nagsasawa?! ewan ko ba kung baket napakalakas ng tama ng pag-ibig! minsan naisip ko na magparinig na "hoy! pwede bang iba naman ang pag-usapan? lagi na lang pag-ibig! pag-ibig! pag-ibig! kainiz!"

nagyayakapan, naghahalikan, kulang nalang ay kainin na nila ang isa't isa o maging iisang tao na lamang. di ba kayo naiinis...?

malamang may mag-re-react dito, o kaya'y magsasabi na siguro isa akong inggit...isang 'single'... isang walang magawa sa buhay...

isa lang ang aking masasabi...

oo...ako'y isang 'single'... oo medyo inggit dahil kahit saang angulo mo tignan, kahit minsan nakakairitang pag-usapan, masarap pa rin ang iyong mararamdaman pag umiibig. naranasan ko na ang umibig, ang inibig, ang nag-iwan at ang iniwanan. maraming kalungkutan ang pag-ibig, katumbas ng kaligayahang binibigay nito. sino ba ang di matatakot diba? kaya nga dapat natin saluduhan ang mga taong mapalad na biniyayaan ng nagmamahal at minamahal nila. para sa mga 'single' na katulad ko, medyo taliwas ito pero alam ko na kahit ilang beses man tayong mag-react o magpakita ng pagkainis, deep inside ay sumisigaw na "sana ako rin!"

ang pag-ibig nga naman!


BackTrack
Hosted by www.Geocities.ws

1