HISTORY

Teleserye ngayon, Soap Opera noon.. saan nga ba ito nagsimula bago tumatak sa puso ng bawat Pilipino? Ang mga teleserye, na mas kilala bilang soap opera ilang dekada na ang nakakaraan ay nagsimula sa radyo. Isang opera na tanging mga boses lamang ang tampok at bumubuo ng isang istoryang sinusubaybayan, na kung tawaging nga'y radio drama. Karamihan sa mga sumusubaybay nito noon ay mga housewives, kaya naman nakagawian nila na habang naglalaba o gumagawa ng mga gawaing bahay ay nakikinig sila ng radyo. Di naglaon, ang mga operang ito sa radyo ay inihambing sa sabong pambahay. Sa kadahilanang madalas itong pakinggan sa mga tahanan. Kaya naman ang isang opera sa radyo ay tinawag nang isang Soap Opera.

Hanggang nagsimulang ipinalaganap ang telebisyon dito sa Pilipinas sa 50's, at kanilang isinalin sa telebisyon ang duladulaan sa radyo, ngunit nagtanghal na ito ng mga tunay na karakter na gaganap sa telebisyon upang bumuo ng isang istorya na magiging isang soap opera. At dito ay nagismula ang paglaganap ng Soap Opera sa telebisyon na tinangkilik ng mga manonood at kasama ding inilunsad noong dekada 50 sa nagsisimula pa lamang na ABS-CBN.

Dekada 70 ay sumikat na ang mga soap opera sa telebisyon ng iba't ibang istasyon. Ilan sa mga kilala at di malilimutang drama serye sa telebisyon noon ay ang Ana Liza ni Julie Vega na kinumpitensiya naman sa kasabayang Flor de Luna ni Janice de Belen.

Nagmarka sa isang simple at nagsisimula pa lamang na istasyon ang mga soap opera. Isa ang ABS-CBN noon sa mga nagsimula ng mga bagong soap opera na panghapon sa telebisyon. Sumunod sa mga pinasikat nilang drama noon ay ang Gulong ng Palad at Ana Luna.

Nanng mga kapanahunan noon, mga baguhang artista ang gumaganap na bida sa isang soap opera sa telebisyon. Tulad na lamang ni Janice de Belen at Julie Vega na sumikat at nakilala ng itampok na bida sa kani-kanilang mga soap opera.

Sa dekada 90, sumikat at nakilala ang isa sa highest rated at ang longest soap opera sa bansa, ang Mara Clara na nagpasikat din sa isa nang ganap na aktres ngayon na si Judy Ann Santos. Di nagtagal, due to insistent public demand na rin, ang Mara Clara na tinututukan tuwing hapon ay sinimulan ng ABS-CBN na ipalabas na sa prime time. At dito nga nagsimula ang nakagawiang daily prime time habit ng mga pinoy, ang pagtutok sa mga drama. Ang soap operang ito na tumagal ng halos 5 taon ay naging daan para masundan pa ng mga dekalidad na drama ang ABS-CBN.

Kaya naman, sa parehong dekada, sunud-sunod na inilunsad ng pinakamalaking network, ABS-CBN ang mga hindi malilimutang soap opera noon tulad na lang ng Mula Sa Puso, Esperanza at Marinella, ilan lamang sa mga programang umani ng tagumpay sa telebisyon. Sa kadahilanan na rin na ang mga soap opera ng ABS-CBN ay nangingibabaw sa ratings kumpara sa ibang programa nito. Ang mga soap opera ding ito ang naging dahilan kaya ang ABS-CBN ang naunang nag-no. 1 na TV network sa buong bansa.

Ang mga soap opera ng ABS-CBN ang unang tinutukan at minahal ng milyun-milyong pilipino sa bansa. Kaya naman ang dramang may tatak ABS-CBN ang hinahanap-hanap pa rin ng mga manonood saan mang sulok ng Pilipinas. At nang pumasok nga ang milenyo, dito na nagsimula ang bagong henerasyon ng soap opera na inumpisahan nang tawaging Teleserye. Sinimulan ng napaka-tatagumpay na Pangako Sa'Yo, Sa Dulo Ng Walang Hanggan at Sa Puso Ko, Iingatan Ka.

Lumipas na nga ang panahon, pero patuloy pa rin ang paghahatid ng ABS-CBN ng mga dekalibre at di-malilimutang soap opera o teleserye sa telebisyon. Sino ba namang makakalimutan kung sino ang nagpasimula ng lahat at kung sino ang unang minahal at patuloy na minamahal ng mga pinoy? Ang isang teleserye daw kasi, ayon sa karamihan ay sumasalamin sa buhay ng mga ordinaryong tao kaya naman napakasarap subaybayan. At ang mga teleserye ng ABS-CBN ay talagang namumukod-tangi, mula noon hanggang ngayon.

Napakarami naang soap opera ang nagdaan at nagtapos noon at patuloy pa rin hanggang ngayon. Marami pa ang parating at tiyak susubaybayan rin. Sa napakaraming taon na ang mga teleserye ay ilan lamang sa mga namamayani sa telebisyon, iisa lang ang ibig sabihin nito, na ang teleserye ay isang kasaysayan din ng Pinoy TV.


Hosted by www.Geocities.ws

1