|
[home] [works] [so there] [the girl] [say what?!] [go visit] |
| Q | |||
|
TRANSCRIBED INTERVIEW WITH POLO RAVALES & ALESSANDRA DA ROSSI a An exclusive chat with one of showbiz's hottest couples a Conducted by Valerie V. Mayuga Sometime November 2002, at Greenbelt 3
Q: Since when have you two been together? A: December 14 last year.
So mag-o-one year na. Yeah.
Happy? Happy.
On a scale of one to ten, ten being the highest, rate your happiness factor. Alex: Ten…Eleven…twelve Polo: Ten! One thousand!
Wow! Good for you. Alex: Grabe ka naman! Polo: Grabe ba?
How did you two fall together? Pano naging kayo? Alex: Ay naku! Polo: Na-in-love siya sa akin. Alex: Kapal ng mukha mo! Pangit mo, noh! Na-in-love siya sa akin…Tapos sabi niya…ano…ano ba! Ikaw na nga mag-kwento! Wala kasing ligawan talaga! Polo: Oo, wala… Alex: Bigla na lang… Polo: Di naman…meron naman…konti… Alex: Di, konti lang! T’as…o sige na nga! Tayo na! Ganun. Polo: Di…k’si…ah…anong tawag nito…basta, di kami nagpapansinan niyan, eh. Minsan…konti lang. Nag-aasaran kami, ganun.
Why? Alex: Di ko siya type! Polo: Eh di ko rin siya type! Alex: Ang kapal ng mukha mo! Type mo ako! Polo: Di nga! Alex: Weh! Polo: Umpisa? Hindi! Hindi ko siya gusto. Alex: Eh di lalo na rin ako. Polo: Di rin niya ako gusto. Eh ano…ah…bastabigla na lang naging close kami. Ganyan.
How? Polo: We go out…pinupuntahan niya ako sa taping ng…wala naman siyang eksena. Parang aalis lang kami, nagpapasama. Ganun. T’as parang nadevelop…nadevelop…ganun. Ayun.
Formal ligawan? Polo: One time, nagbibilyar kami.,, Alex: Hahaha! Polo: Then, niloko ko siya. Sabi kong ganun, “O sige, pag nanalo ako, pag nanalo ako sa bilyar namin – pustahan – magiging tayo. Kapag hindi, kapag talo, hindi na. Gnun nagstart. Eh… Alex: Ako confident ako na mananalo ako. Polo: Eh natalo siya. Alex: Eh kyalang natalo ako… Polo: Pero di parin…di parin naging kami. Pero dun nagstart na ano…
Pero was it mutual na at that time? Alex: Di…siya lang. Aminin mo na! O, sabihin mo hindi! Polo: Kaw? Alex: Hindi. Polo: Sigurado ka? Alex: Oo. Kaw lang. Polo: Yung totoo.
When was this? What month was this? Do you remember the date? Polo: December….mga December siguro…di…mga ano…last week ng November.
Okay so after the whole pool thing, what happened? Polo: Hindi pa…hindi pa naging kami. Tapos, ah…may sinabi ako sa kanya. Gusto ko na siya nung time na yun. Kayalang parang hino-hold ko…
So inamin mo? Polo: Oo.
Pano? Do you remember? Alex: Oo. Sabi niya, um, ano..seryoso daw siya, na gusto niya maging kami. Ganun. Sabi ko, “Ha?!” T’as dun ko lang na-realize na…seryoso din pala ako! Hahaha! Ang landi ko, no? Polo: May sinabi ako sa kanya, eh. Sabi kong ganun…ah…”Sana…” ano bang sinabi ko? May tinext ako sa kanya, eh. Sabi kong ganun…ah, gustong-gusto kita, kayalang iisa ka lang…sabi ko, kung meron pang iba, sana mas maganda. Alex: Di, parang sabi niya, kung di man maging kami, sana makahanap siya ng katulad ko, pero wala siyang magagawa kasi nag-iisa lang ako. Dun ako na-ano…na parang…ang sweet naman nito! Naku kung alam ko lang na sa umpisa lang ganun, hindi na sana ako na-inlove! Polo: Bakit? Alex: Eh kasi hindi mo na ako sinasabihan ng ganun! Polo: O?! Sige…
What’s Alex’s most endearing trait? Cute habits… Polo: Ano ba…yung ano…she’sh very cute…hahaha! Alex: Pag nagba-baby-talk ako…Pero minsan lang yun…
When do you baby-talk? Alex: Pag di niya ako pinapansin.
Ba’t di mo naman pinapansin? Polo: Di naman! Alex: He! Polo: Di…minsan, wala lang…bigla lang siyang magbababy talk.
How about you? What’s his most endearing trait? Alex (to Polo): Sasabihin ko na, ha? (To me) Pagnagta-tanga-tangahan. Polo: Gago. Alex: May pagka-ano kasi to, eh…yung hindi niya ba ako ma-gets, minsan. Polo: Eh ang gulo kasi magsalita, eh. Kaya… Alex: Parang slow na hindi mo maintindihan…kasi di niya ako maintindihan, eh! Sobrang di siya makasabay sa akin, sobrang bilis ko magsalita. Biglang… “Ha?!” Ang cute!
Okay. Most annoying? Alex: Hay naku! Yung ganyan, o! (Moving her leg against the foor of the chair), Ano yung tawag diyan? Yung nag-gagaganyan? Yung…nagunguyakoy ba tawag diyan? Wala bang mas magandang term? Hindi yung… Polo: Nanginginig ako… Alex: Yung pag ginaganyang-ganyan niya? Kunwari pag-iisa lang kami ng upuan? Diba nakaka-irita?
You (to Polo)? What’s her most annoying habit? Polo: Pag maingay. Alex: Hoy, ang kapal ng mukha mo. Polo: Yan, ganyan. Ganyan.
Define ‘maingay’ when it comes to Alex. Polo: Ano ba? Minsan pag…basta minsan nakak-irita, eh… Alex: Hoy, ha! Polo: Minsan.
Most unforgettable date? Alex: Meron ba tayo nun? Eh mukhang mangyayari palang, eh. Polo: Meron ba? Alex: Kasi, di kami lumalabas na dalawa lang kami. Laging…hindi, minsan, pero sandali lang. Tapos magkikita-kita na ng mga friends, ganyan. So…wala talagang yung memorable na…as in date talaga na…date.
page 1 l next page >> |
|||
|
S |
|||
|
copyright valerie v. mayuga 2005 |