ARCHIVE from PERSPEKTIV Online

 

MGA DATING PROF NG KLASE, NAGSALITA

 

Matapos ang mga sandaling ginugol sa pakikinig at pakikibahagi sa piling ng mga profesor na silang naging instrumento upang matutuhan ng PSY23 ang maraming bagay, hindi lamang sa pang-akademikong kaalaman kundi pati na rin sa ilang salik ng mga tuntunin at aral sa ibang parte ng buhay, ilan sa kanila ay muling nagbigay tinig upang sa pagkakataong ito’y ipahayag naman ang mga natagong masasabi ukol sa buong klase.

 

Ayon kay Prof. Figueroa (Gen. And Inorganic Chemistry & Lab.), ang PSY23 ay karapat-dapat lamang sa isang natatanging pag-alala. Ang mga mag-aaral na bumubuo rito ay mahuhusay, masasayahin, at mga aktivo.

 

Sa panig naman ni Prof. Nicdao (Jesus: The Good News), sinabi niyang nakatutuwang turuan ang klase sapagkat ang lahat ay masayahin at madaling pakisamahan. Partisipativo at kasiya-siya, gayunman, nangangailangan pa rin aniya ng paggabay ang karamihan. Napansin niya ang kalakihang bilang ng mga babae sa mga lalaki ng klase kung kuya ipinayo niyang magbigay pa ng higit na paggawa at kalakasang tinig ang mga huli. Idinagdag din ng guro kung gaano karami ang may mga pusong mapaglingkod para sa Campus Ministry mula sa PSY23.

 

Isa pa rin sa buong siglang nagbigay pahayag ay si Prof. Mercaida (Literatures of the Phil.). Mula sa puso niyang sinambit ang isang paghahangad na nawa ay hindi makalimot ang klase. Ipinahiwatig niyang sana’y mapagtanto ng PSY23 na nakabahagi rin siya ng buhay ng mga ito. Ngayon daw ay naaalala pa nya ang mga masasayang nangakaupo rati sa unahan ng silid. Magugulo man daw, masasaya at aktivo naman ang lahat. Pagdating sa mga presentasyon ay mabuting naghahanda at nakikiisa. Nais niyang ipaabot na mahal niya ang buong klase.

 

Tatlo lamang sila sa marami pang nag-ambag sa kinaroroonan ngayon ng klase. At tinitiyak naman ng PSY23, saan man sila makarating, dala nila ang mga ala-ala at aral na mula sa kanilang mga gurong magigiting.

 

=end of texts=

Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv

Hosted by www.Geocities.ws

1