|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
Ilang sikreto ng peer counselor
Hulyo 30, dumalo ang pangulo at ingat-yaman ng PSY23 sa isang muling pagsasama-sama ng mga peer counselor ng kanilang kolehiyo (CLA) na ginanap sa JFH309.
Nagkaroon ng seminar kung saan tinalakay ang maraming bagay ukol sa pakikinig sa mga suliranin at pagpapayo sa mga nangangaila-ngan.
Sa isang halimbawang nais nang mamatay o magpakamatay ng isang tao, mali ang ungkatin pa ang mga dahilan kung bakit. Sa halip, mas makabubuti kung ibalik sa kanya ang sinabi sa paraang patanong, “Totoo ba ang iyong sinasabi? Iyan ba talaga ang gusto mo?”
Mangyari, sa ganitong paraan, mapapaisip ang isang may problema kung tama ba ang kanyang sinasabi. Maiiwasan din ang malalim na pag-iisip sa mga kinakaharap na suliranin.
Mahalaga rin sa pakikipag-usap sa isang may mabigat na dinadala ang mga kilos na isinasagawa. Ipinapayong bantayan ang mga ekspresyon ng mukha, reaksyon, at paraan ng pakikipag-usap.
Makabubuti rin sa pakikinig ang pag-iwas sa pagtingin sa relo, pagtetext, o pagtutuon ng pansin sa ibang mga bagay.
Importante ring tandaan na kailangang tanggap at naiintindihan ng taos sa puso ang kinakausap. Ang pakikisalamuha ng labag sa kalooban ay hindi makatutulong sa mga ganitong sitwasyon.
|
|
|
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |