|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
SAMA-SAMANG PAGBABALIK TANAW
Maraming mga pagkakataong sama-samang dinaluhan at nilahukan ng PSY23 ang ilang programa at palatuntunan sa loob ng, at may kaugnayan sa Universidad. Ilan sa mga ito ay naririto.
Recollection. Ginanap noong Hulyo 24-25, 2002 sa Charles Huang Conference Center, Batulao, Batangas. Ito ay may temang “I am Good News.”
Death March. Ang paglibot ng klase sa Universidad isang maulang araw noong Agosto 2002. Binigyang buhay nila ang isang ala-ala ng kasaysayan. Ito ay bilang proyekto sa Sining ng Komunikasyon na kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika.
Ebolusyon ng Wikang Filipino. Ito ang paksa ng isang seminar na ginanap noong Agosto 14, 2002 sa Alumni Hall. Si Prof. Jose “Joey” Arrogante ang siyang tagapagsalita.
Dula. Ang pinakaunang buong dulang napanood ng klase noong Setyembre 2002. Ang mga itinanghal ay ang “Huling Gabi sa Maragondon” at “Las Viejeras.” Ito ay ginanap sa Alumni Auditorium at ginampanan ng Teatro Lasalliana.
Dangal ng Lahing Pilipino. Isang pagtatanghal upang para-ngalan ang mga pambansang alagad ng sining. Nasaksihan ito ng klase noong Nobyembre 15, 2002 sa Palaruang La Salle at naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Cultural Center of the Philippines.
La Sallian Days. Isang linggong pagdiriwang para sa araw ng institusyon nitong Enero. Isa sa naging papel ng klase rito ay ang pakikiisa sa Mass Demonstration na nilahukan ng mga freshmen ng Kolehiyo ng Malalayang Sining.
Social Awareness Days. Malaki ang naging papel ng klase sa gawaing ito sapagkat sila ang gumawa at namahagi ng mga paanyaya para rito nitong Pebrero. Lumahok din sila sa isang exhibit, mixed media sculpture at brain wars na lahat ay tumatalakay sa paksang “Pamilyang Lasalyano, May Kamalayan sa Kinabukasan ng Kabataan at Kalikasan.”
Psychology Days. Nito pa ring Pebrero, nakilahok ang klase sa pagdiriwang ng Psychology Days na may temang “Trauma & Violence on Youth: A Cause for Alarm.” Lumahok sila sa ilang gawain tulad ng parada, aerobics, mga seminars, at palatuntunan.
All For the Love of Thee. Isang dula ukol sa buhay ni St. La Salle na ginampanan ng mga piling mag-aaral ng DLSU-D. Ito ay ginanap sa DLSZ noong Disyembre 2002. |
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |