ARCHIVE from PERSPEKTIV Online

 

PSY23's prelim exam

  

Hulyo 14 hanggang 18 nang itakda ang prelim examination sa buong universidad.

 

Ika-15 ng buwan nang unang sumabak sa pagsusulit ang klase.

 

Samantala, matapos ang may isang linggong gawain, masasabi ng nakararaming nasa average level ang tests na kanilang kinuha.

 

Ayon sa isang sarvey na isinagawa sa PSY23, lumabas na nasa 97 porsiyento ang nagsasabing nasa average level ang test, 3 porsyento para sa easy, samantalang wala namang nagsabing ito ay nasa antas na difficult.

 

Ayon sa pinalawak pang pagsusuri, sinasabing sa katotohanan, madali lamang talaga ang mga katanungan sa mga pagsusulit. Iyon nga lamang, sadyang may mga sandaling ang ilang uri at istilo ng ilang bahagi sa mga exam ay sinubok ang kanilang kaalaman.

 

Ayon pa sa klase, ang lahat naman ay nagiging maayos lalo na kung nag-aral na mabuti bago ang anumang pagsusulit. Isa pang sikreto ayon sa ilan ay ang taos na pananalangin.

 

Sa paglabas ng resulta ng kanilang eksaminasyon, napatunayan nga ang kanilang mga sinasabi. Hindi maikakailang ang wastong paghahanda sa mga ganitong bagay ay nagbubunga ng mahusay.

 

 

=end of texts=

Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv

Hosted by www.Geocities.ws

1