|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
SA PITAK NG KASAYSAYAN
June 10, 2002. Isang taon na kaagad ang nakaraan matapos ang kauna-unahang pagkakataon kung kailan nagkatagpu-tagpo ang buong klaseng sa kasalukuya’y tinatawag na Psychology 23 (PSY23).
Halos nasa limampung estudyante ang buong klase na nagmula pa sa iba’t ibang bayan ng Cavite, Laguna, Batangas, at Maynila. Mahahalata kung sino lamang ang mga magkakakilala noong mga unang segundo. Subalit makalipas ang ilang saglit, maitatanong mo kung talaga bang ngayon lamang nagkasama-sama ang mga ito. Para bang isang grupong matatagal ng magkakaklase ang PSY23, na noo’y PSY13 pa lamang.
Noong unang araw na iyon ay wala ni isang klaseng naganap para sa kanila. Ito marahil ay bunga ng kumplikadong skedyul noong panahong iyon.
Sa PSY23, sino nga ba ang makalilimot sa lala-king pumasok sa kanilang silid (OSH101)? Sa pag-aakalang ito ang magiging pinakaunang profesor nila sa Pamantasang De La Salle, ang grupo ay nanahimik na hudyat ng takot? respeto? hiya? pagtataka? o kung anumang pakiramdam.
Nagkamali ang lahat, ito pala ay napag-utusan lamang upang sabihing wala pa silang klase para sa unang sabjek.
Ang vakanteng oras na yaon ang naging daan upang magkalapit-lapit pa ang ilang hindi pa magkakakilala.
Iyan ang simpleng kasaysayan kung paanong nabuo ang tropa-tropa sa PSY23, na bagaman may kani-kanyang kilos, papalagi namang buklud-buklod sa bawat panga-ngailangan. At ngayon ma’y wala na sa kanila ang ilan, lahat sila ay mananatiling iisa sa minsang dikta ng sandaling sila ay nagkasama-sama. |
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |