Sa
tatlong taon ng pagpasok sa kolehiyo, ang patapos na semestre pa
lamang ang siyang nagdala ng matitinding gawain at mabibigat na mga
proyekto.
Maluwag
pa sa simula ng semestre ang iskedyul ng lahat, subalit ng pumasok at
nasa kalagitnaan na ng midterm, nagsimula na ang tambak,
sunud-sunod at walang tigil na proyekto ng lahat.
Marami
sa mga proyekto ay gawain ay nailahad na noon pa mang prelims,
subalit nito na lamang ito talaga isinagawa.
Sa
Learning, walang hindi nakaranas ng animal training.
Idagdag pa rito ang pagsusulat ng proposal
paper.
Samantala,
hinati naman ang klase sa mga grupo upang mag-ulat ng kani-kanyang
paksa sa Social Psychology. Isama pa rito ang ilang reflection
papers.
Hindi
naman magpapahuli ang Logic na kasabay halos ng isang make-up
class, ay ang pagsasadula ng mga grupo sa klase, ukol sa fallacies
na may kinalaman sa naturang subject.
Sa
Computer, kinailangan din ang halos kalahating araw ng Sabado
bilang make-up upang matapos lamang ang napakahabang activities.
Isa
pa sa isinakatuparan ng lahat ay ang proposal at defense
sa Technical Writing. Humarap ng mga naka-semi-pormal o pormal
ang lahat upang I-depensa ang kani-kanilang papel (by
group).
Isa
pa sa pinakamatitinding subject ay ang Asian and Western
Civilizations na nangailangan ng dalawang make-up classes.
Kasabay nito ay ang mahahabang pananaliksik at pagbabasa mula Panahong
Romano hanggang Panahong Moderno.
Samantala,
ang ginugulan ng pinakamalaking oras, salapi, at enerhiya ng buong
klase ay ang kontrobersyal nilang dula sa Art Appreciation.
Sa
Religion naman, sabay-sabay na reflection papers at reporting
ang kinailangan.
Kung
minsan man ay naiisip ng klase na “baka nagsasabwatan ang mga
profesor upang sila ay tambakan ng gawain,” naniniwala naman
silang ang lahat ng ito ay pagsubok at bahagi ng pag-unlad.
Kagaya
nga ng naganap, ang lahat ay matiwasay ng lahat. Ngayon, haharap na
ang PSY33 sa ilang araw na pahinga.