ARCHIVE from PERSPEKTIV Online

 

Malaya Times, Kapitan Kulas

   

Ang bilis ah. Parang nito lang nang unang ilathala ang unang isyu ng newsletter na ‘to. Tila baga takbo ng mga pangyayari sa ating paligid, mabilis. Kudeta, tangkang asasinasyon, frustrated murder, frustrated rape… (teka, may frustrated rape ba?).

 

Sa isang simpleng observasyon, kapansin-pansin ang nagawa ng papel na ito sa klase. Lumalabas ang mga ha-ngarin at damdamin ng bawat isa sa mas artistikong paraan. Sa tulong ng KONSTITUSYON, ang iba’t iba at natatagong saloobin ay nagiging isang tulay upang pagbuklurin ang mga bumubuo sa PSY23, at upang iabot naman nila at sa kanila rin ang malawak na sakop ng pamantasan. Walang pasivista ha...

 

Sa ibang usapin, sadyang nakatataba ng puso ang mga kumento at opinyong namayani kaugnay sa unang isyu ng newsletter na ito. Kaya naman ngayon, pinagbuti pa ang pahayagan at mapapansin ang ilang pagpapalit at pagbabago sa mga titulo ng pahinang siksik sa mga kwento ng buhay, mga tagong ugali’t mga wika ng puso.

  

 

=end of texts=

Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv

Hosted by www.Geocities.ws

1