ARCHIVE from PERSPEKTIV Online

 

Tamang Mali

Michelle Morales

   

di pa man nasisilayan

minahal na ng tunay

di alam kung papa'no

basta iyan ang totoo

 

sabi mo mahal mo rin ako

pero di ko alam kung iyon ay totoo

sinabi rin na di pakakawalan

ngunit bakit ako'y iniwan

 

naging mali ba ako

dahil ikaw ang napili ko

o tanga lang talaga ako

sa pagseryoso sa 'yo

 

ngayong malayo na ako sa 'yo

naiisip mo ba ako

siguro di na

baka nga di mo na ako kilala

 

pero ikaw lagi kang nandito

dito sa puso't isip ko

dahil ikaw ang una

at sana maging huli na...

 

 

=end of texts=

Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv

Hosted by www.Geocities.ws

1