ARCHIVE from PERSPEKTIV Online

 

MALING PAG-IBIG

Marilou Eleponga

   

Ang pag-ibig nga naman pag dumating

kahit ano para dito ay gagawin

masakit man sa puso'y titiisin

Huwag lang nya akong lilisanin

 

Di pa man kilala'y inibig na kita

Sumigla ang buhay ng makilala ka

Sinilayan ng kaligayahan

Abot dulo ang saya

 

Papiliin man ako, ikaw ang hirang ko

sumpang pag-ibig, paninindigan ko

masakit man, ikaw lang ang sasambahin ko

buong buhay ko'y ibibigay sa 'yo

 

Buong puso'y isinuko para sa 'yo

di ininda ang paghadlang nila dito

walang mahirap, walang masakit

basta't nandyan ka, yakap ako sa 'yong bisig

 

Mga tukso ma’y dumating

nawala pa rin sa iyong pintig

alam kong ika'y di magmamaliw

pagkat buhay ko'y iyung-iyo giliw

 

Hanggang sa dumating ang bangungot na akala

na siyang nagpaluha ng lubos sa akin

Katapusan natin aking nang tatanggapin

Sa paglisan mo'y gumuho ang pangarap na mithiin

 

Ngunit ngayon, kayang tanggapin

paglisan mong yumurak sa akin

handa nang harapin bagong bukas para sa 'kin

kinalimutan ko nang ika'y naging akin...

  

 

=end of texts=

Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv

Hosted by www.Geocities.ws

1