|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
New Wave Fever
Habang ang iba sa inyo ay kumakain, natutulog, nanonood ng TV, nagtetext, nagfophone, nagmumuni-muni, nagpapahinga, nagbabasa sa Consti, o nagpapapampam, alam nyo bang noong Hulyo 31, ganap na ika-6 n.g., ang isang kapamilya ng PSY23 na si Bb. Clarence Ethel “CE” Canog ay nasa eskwelahan pa rin? Bakit? Naandoon siya upang makisali sa New Wave Fever!
Kasama ang ilang kaibigan sa YFC, nakibahagi siya sa nasabing proyekto ng USC. Ginanap ito sa Lake Park at dinaluhan ng may mga pagkakataong estudyante ng pamantasan na mula sa iba’t ibang kolehiyo.
Partikular na nakibahagi sa nasabing gawain ang nagdaan at kasalukuyang pamunuan ng USC.
Hindi man raw katulad sa nakaraang taon kung saan marami ang nagsuot ng suggested outfit (‘70s), ayon kay Canog, ang para sa ‘80s naman ngayon ay napuno pa rin ng saya sa tugtugan, at hataw sa sayawan.
Natapos ang parti pasado ika-siyam ng gabi.
|
|
|
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |