ARCHIVE from PERSPEKTIV Online

 

Evangelization Campaign

Julie Ann Laparan

   

Matagumpay na naisakatuparan ng YFC Campus based ang kanilang taunang Evangelization Campaign na nag-lalayong maibahagi sa mga kapwa nila Lasalyano ang mga talentong biyaya mula sa Diyos, at maging inspirasyon sa mga kapwa kamag-aral.

 

Hulyo 23. Nagsimula ang palatuntunan sa ganap na ika-6 n.g., na bagaman may kaunting pag-ulan-ulan ay natuloy pa rin.

 

Pinangunahan ito ng isang sayaw na nagmula sa mga mag-aaral ng iba't ibang kolehiyo. Kasunod nito ang awit mula sa grupo ng mga kababaihan, kanta mula kina Pauline Villar (DLSU-D Chorale) at Felson Palad (All for the Love of Thee Member) na ikinalaglag ng panga ng mga manonood. Nasundan pa ito ng pagrampa ng mga naggagandahan at naggagwapuhang mga modelong estudyante. Nagkaroon din ng isang presentasyong gag na nagpasakit ng tiyan ng mga manonood. May mga panauhin ding dumating mula sa iba't ibang samahan, partikular na ang USC at PSYCH SOC.

 

Tinapos naman ang programa sa pamamagitan ng isang "PRAISE FEST" kung saan sa bahaging ito ipinakita ng grupo ang pagbibigay papuri at pasasalamat sa Diyos - ang nagbigay talento at lakas ng loob sa bawat miyembro.

 

“Renewing the Society… through Christ… through the campus” ang siyang naging tema ng kaganapan. 

 

 

=end of texts=

Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv

Hosted by www.Geocities.ws

1