|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
METEOR GARDEN PLUS PROFESSORS, EQUALS KWENTUHANG PSY23 Julie Ann Laparan
Meteor Garden at mga profesor. Iyan ang dalawa sa mga paboritong pag-usapan sa loob ng silid ng mga silid ng PSY23. walang araw na hindi nababanggit ang isa man sa mga iyan.
Mula Martes hanggang Biyernes, paulit-ulit mong maririnig sa bibig ng bawat binibini ang iba't ibang pagpuri at paghanga sa talaga namang makabihag pusong si 'Sir Consti.' Sa tindi ng karisma ni sir, ngiti pa lang, talagang pamatay na!
Eto pa ang isa, ang Meteor Garden. Kahit na kahati na nina Dao Ming Szi, Lei, Mei Zuo at Xi Men si Sir Consti sa puso ng mga nanggagandahang PSY23, paulit-ulit pa ring pinag-uusapan ang mga nagdaang tagpo. Talagang hindi pinagsasawaan.
Katulad ng inaabangang mga kilig eksena nina Szi at Shan Cai, bukod kay Sir Consti, sikat din ang lahat ng mga dati at kasalukuyang prof ng klase. Bawat isa sa PSY23 ay nagpaparamihan ng mga masasalubong na prof sa isang araw. Kasabay ng bilangan ay ang pag-alala sa mga bagay at pangyayaring kaugnay sa bawat profesor.
Iyan ang ilan sa mga pangkalahatang usap-usapang di pinagsasawaan ng klase. Ang lahat ng iyan ay may kontribusyon sa patuloy na di mapapantayang pagsasamahan ng bawat isa.
|
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |