|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
Isang barkada sa PSY23, hinigad! Jessetine Rigor
Hindi na bago sa ating pamantasan ang usapin tungkol sa higad. Di na rin kailang marami nang estudyante ang naviktima ng mabalahibong higad na ito. Isa ang "TROPA NI RAHSA" sa naviktima ng mga peste.
Unang viktima si Jes. Isang umaga, habang kumakain ang magkakaibigan sa Square Canteen ay biglang may nakitang higad si Rahsa sa damit ng nabanggit. Ang nagmamagandang higad ay gumagapang sa damit ni Jes patungo sa kanyang leeg. Ang magkakaibigan ay nagtulung-tulong para maalis at patayin ang naturang higad. Di nagtagal ay napatay nila ito. Pagkalipas ng ilang minuto, nakaramdam na ng pangangati si Jes at di-naglaon ay nangati na rin sina Cecil at Abby. Sila ay nagtungo sa klinika upang humingi ng alkohol. Subalit sa kasamaang palad, hindi pa rin nawala ang pangangati sa kanilang mga mukha at mga kamay. Tumindi pa ang kanilang sinapit. Si Jes, sumama na ang pakiramdam kasabay ng matinding pamumula at pamamantal ng mukha. Minabuti na lang niyang umuwi kung kaya't hindi siya nakadalo sa kanyang mga natitirang sabjek noong araw na iyon.
Di pa dyan nagtatapos ang pamviviktima ng mga higad sa tropa. Pagkalipas ng dalawang linggo, pagkatapos ng masaklap na pangyayari... nakaramdam na naman ng pangangati si Cecil sa kanyang batok. Nakita nila ang maliit na higad na nag-iinarteng gumagapang sa likod nya at agad nila itong inalis.
Akala ng lahat ay tapos na ang krisis na ito. Ngunit habang naglalakad ang magkakaibigan sa Coastal Road patungo sa JFH, isang babae ang lumapit kay Mary Rose at sinabing, "Excuse me miss, may higad ka sa pants mo!" Agad namang nagpumiglas si Mary Rose na wari'y sinaniban nang kung ano. "Yuck! Cecil, alisin mo!" iyan naman ang kanyang nasambit. Dali-dali namang pinitik ni Cecil ang tusuk-tusok na higad. Nakakahiya talaga para kay Mary Rose ang pangayayaring iyon dahil sa maraming nakakita. Pagkalipas ng sampung minuto, nakaramdam na agad ng pa-ngangati si Mary Rose sa kanyang likuran. Ilang sandali pa, si Jenny ay nakaramdam na rin ng tanda kung ang higad ay nagkaroon ng pagkakataon upang madikitan ang isang nilalang, maging isang hibla man ng malatinik nitong buhok.
Mabuti na lamang talaga at ilan sa estudyante ng PSY23 ay nagdadala ng alkohol. Ipinaaabot ng nasabing tropa ang lubos na pasasalamat sa mga nagkusang-loob na maghandog ng medikasyon. Magsilbing babala nawa ito sa iba pang mapalad na hindi nakararanas ng ganitong pagsubok... lalo na sa kanilang mga kamag-aral na hindi pa naviviktima ng mga higad…
|
|
|
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |