|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
KONSTI?!!! Maybelle Villaruel
"Nandyan na ba si sir?!!!... uuuyy, si sir!! ang gwapo talaga nya noh?!!"
Iyan ang mga karaniwang maririnig sa bibig ng mga kababaihan ng PSY23. Sino pa nga ba? Iisa lang naman iyan... si Sir Jesse Atienza. Isang profesor ng Social Science.
Di natin maitatatwa na gwapo talaga si Mr. Atienza. Kaya di masisisi ang ilan na humanga sa kanya. Nawala ang kaba sa puso ng mga estudyante nya at napalitan ng excitement na makita siya. At take note, nag-uunahan pa ang mga binibini sa pag-eexplain ng nilalaman ng konstitusyon ng Pilipinas!
KONSTI?!!! Nagpaka-weird na ang lahat para sa konstitusyon... o para kay sir "Atie."
Ang ilan ay puspusan sa pag-aaral sa naturang subject, ang iba naman ay busy sa pag-aayos at pagpupulbos ng mukha bago magsimula ang klase. Masyado silang mga conscious!
Kung minsan hindi makasagot sa mga tanong ng isang Mr. Atienza ang ilan. Ang dahilan... hindi nakapag-review (25%) o nakatulala lang sa mala-anghel niyang mukha (75%)!
Isang joke... joke... joke! lang ni sir, kahit corny, lahat tumatawa hindi dahil sa nakakatawa kundi dahil nakakakilig!
Anu-ano man ang sumasanib na kababalaghan sa mga kababaihan ng PSY23, nagsisilbi siyang inspirasyon lalo na sa pag-aaral.
Remember, "demóc...racy, é...manates from the people..." O...ke?
|
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |