|
ARCHIVE from PERSPEKTIV Online |
|
|
|
Ang debut ni Jesz Mary Rose Vicencio
Isa sa pinakahihintay ng lahat ng kababaihan ay ang pagsapit ng kanilang ikalabing-walong kaarawan o ang tinatawag ng karamihan bilang "debut." Para kay Jes, ang pagtungtong sa edad na 18 ay nangangahulugan nang pagiging isang ganap na babae. Kaya naman ang pagsapit ng kanyang kaarawan ngayon ay pinaghandaan niyang talaga.
Pili lamang ang na-invita sa kanyang parti dahil hindi na magkakasya sa sasakyan. Ang mga nakadalo lamang ay ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan sa PSY23 na sina Cecil, Mary Rose, Abby, Rahsa, at Jenny. Kasama rin ang mga kaibigang sina Mitch at CE. Bukod sa mga nasabi, kasama rin ang ilan sa mga kaibigan ni Jes sa high school.
Nagkita-kita ang lahat sa Robinson, Imus noong ika-20 ng buwan, Linggo, ganap na ika-apat at kalahati ng hapon. Sa pagdating ni Jes... talaga namang... lady in red! "Jes, ikaw ba yan? Ang taray ng lolah ko, straight na straight ang hair!!!" Sabay "happy birthday" naman ng lahat sa kanya.
Umalis ang lahat ng 6:30 n.g. sa Rob. Masaya ang lahat habang nangakasakay sa van (medyo may kasikipan...). Ang iba ay nagkwekwentuhan, nagtetext, nagpipicture taking, at nagsasayaw. Iyong iba naman... "stroked!"
Nagtungo sa Eastwood City Walk, Quezon City ang barkada upang doon na mag-dinner. Sila ay kumain sa Somethin' Fishy at pagkatapos ng chibugan ay namili ang ilan sa tiangge. Bandang 9:00 n.g. ay nagpicture taking uli sila. Matapos nito, umalis sila sa lugar upang pumunta naman sa ibang destinasyon at ipagpatuloy ang pagsasaya.
Walang pinaka-eksaktong place kung saan sila pupunta noon. Nagkaroon sila ng votasyon kung saan sila sunod na tutungo. Pinapili ni Jes ang barkada kung sa stand-up comedy bar, disco, o manonood ng acoustic live. Nagkaisa ang lahat na sa disco na lamang para huwag ma-stroke. Napagawi sila sa Tomas Morato Ave. Sa Ratsky sana sila tutuloy subalit sarado ito. Minabuti nilang maghanap nang iba pang bar ngunit karamihan talaga ay sarado noong mga sandaling iyon. Hanggang sa napadpad na nga sila sa may Padi's Point Tomas Morato.
Pagkatapos humanap ng table ay pumunta na sila sa dance floor para magsayaw at magsaya. Nag-eenjoy ang lahat ngunit may ilang tao sa bar na "manyakis." Ang ilan ay dikit nang dikit. Ang unang naviktima ay si Rahsa. May humawak sa kanyang kamay at nakipagsayaw. Ayaw siyang bitawan nito. Sumunod naman si Jes at isang kaibigan. Buti na lamang at nandoon ang mga pinsang lalaki ni Jes at kinausap ang mga manyak. Dahilan sa kaganapang ito, ang ilan ay minabuti na lang na umupo kaysa magsayaw. Ngunit may ilan naman sa mga tao doon na mababait at nakipagkaibigan pa. Meron ding humingi ng cell numbers nina CE (mabenta!). Sila ay nag-inuman. Nagkainan din sila ng pizza. Alas-tres ng madaling araw nang napagpasyahan nilang umalis.
Halos lahat ay pagod na pagod na at nakatulog na sa van. Di na makausap, amoy beer at yosi. Walang nanigarilyo sa tropa, kumapit lamang sa kanila ang amoy na mula sa mga nagsisigarilyo sa bar. Pagsapit sa Roxas Blvd. ay bumaba sila upang magpicture taking na naman at maglakad-lakad.
Alas-kwatro mahigit na sila nang makauwi sa Cavite. Lahat sila ay tumuloy sa bahay nina Jenny. Wala pang sampung minuto pagdating ay bagsakan na ang mga katawan - kanya-kanyang pwesto at posisyon sa pagtulog.
Subalit sa gitna nang himbing ng lahat ay may isa pala sa kanilang matatag na hindi natulog. Walang ginawa ang nasabing ito kung hindi magtext... hmmm... sino ‘yon??? (blind item!!!)
Nagising ang lahat bandang 6:30 at sabay-sabay silang nagsi-alis pauwi sa kani-kanilang mga bahay.
Nais lamang iparating ng mga taong sangkot sa okasyong ito na hindi nila ginagawa nang madalas ang pagpunta sa mga bar. Nais namang humingi ng paumanhin ng nagdiwang ng kaarawan sapagkat hindi lahat ay nainvitahan.
|
|
|
|
=end of texts= |
|
Go to mainpage: http//www.geocities.com/psy_perspektiv |