Pink...
Pink…
ang pagtitipon.’ Ito ang title ng dulang itinanghal ng AB
Communication (Comm) 4-3 noong Oktubre 13, 2004, 3PM,
sa Tanghalang Julian Felipe. Sa pamilya ng PSY33, nakapanood sina
Rahsa at Mary Rose. Sinabi nila na tungkol ito sa pagpapakita ng iba’t
ibang sitwasyon ng buhay ng mga tao—babaeng baog, lesbiana, babaeng
nakapangasawa ng lalaking walang gusto kundi ang pakikipagtalik sa
kanya, buhay ng mga bading sa parlor, prostitute, babaeng may
mahigpit na magulang, babaeng pinatay ang asawa, babaeng gustong
magparetoke, at isang abogado. Ayon kina Rahsa, tunay ngang entertaining
ang nasabing dula. Maganda ang stage setting (salon) na talaga
namang ginastusan ng buong klase. Magaling din ang mga pagganap ng mga
artista. Mahusay din ang pagkakagawa ng script, at may aral
ding makukuha ang mga maonood. Ang dula ay nagwakas ganap na ika-4 at
kalahati ng hapon. (Kuth)
Half
Inoy-San (Jun-jun)
Nabentahan
ako ng isang kakilala mula sa isang block ng Comm, ng tiket
para sa kanilang play, ‘Half Inoy-San.’ Dahil sa isa na
yata ang block nila sa pinakamarami kong kakilala at kaibigan
sa labas ng ating course, minabuti ko na ring manood.
Noong
mismong araw na, Biyernes, Oktubre 15, katatapos lang ng pinakahuling exam,
ika-3 nh, natuwa ako dahil nalaman kong marami pala akong makakasama
mula sa ating seksyon. Andyan sina Rahsa, Kuth, Cecil at Abby. Humabol
din si Garry. Bukod dito, natuwa rin ako dahil marami rin sa HF ang
naroon upang manood. Hindi ko rin inaasahang darating sina Eloisa at
Nini, friends ko sa CBA, at marami pang kakilala sa iba’t
ibang kurso at kolehiyo ng La Salle. Talagang natipon ng Half Inoy-San
ang mga kaibigan ko (feeling ko naman
it was my day! Lol!)
Lalo
pang naging nakakatuwa ang sandali noong mismong play na.
Isipin mong nasa play ka na mahigit kalahati ng nanonood at
umaarte ay kilala mo. Talagang isa ako sa mga super-hyper at
gulo sa tanghalan—siguro eh dala lang ng sobrang hirap at pagod na
pinagdaanan ng katatapos na semestre.
Maganda
ang kwento ng play. Ang buhay ng mga Pilipinong nagtratrabaho
sa mga sakahan ng Japan, upang mabuhay ang pamilya sa Pilipinas.