Ewan
ko kung matutuwa kayo rito sa article ko. Anyway, noong Wednesday,
October 13, eh niyaya kami ni Lovejoy mag-Festival Mall.
Kumain
kami sa McDonald's. Ayon, may ‘JASMINE fever’ sa
McDo, at pati mga crew ay may flower sa ulo. As in
idol talaga nila si Kumareng Jasmine (were tight as in, ‘di
nga lang niya alam). Syempre pa, pati jingle na ‘Love ko
'to’ eh paulit-ulit pinatugtog. Si Marian nga bumili ng JASMINE
TRIO promo.
Then,
nag-announce ‘yung manager
na ‘yung mga bumili raw ng JASMINE TRIO ay pwedeng sumali
sa hoola game. Dahil si marian ay hindi makapal ang face na
sumali, sinabi ko sa kanya na ako nalang. Subalit naalala kong kasing
tigas nga pala ng yakal ang katawan ko. So kinumbinsi namin si
Chacha (baby ni Lj) na siya na lang—at ayun, mukhang naloka
sa idea namin.
Unang
try ko palang mag-hoolahoop, palpak na agad. Si Lovejoy
naman nag-try din, okay naman. Magaling kasing gumiling
si Lj, pero ‘yun nga lang, hindi nagtagal ng 1 minute—iyon
kasi ang kailangan. Hanggang sa nakumbinsi rin namin si Chacha, pero
pahapyaw lang.
Ayon,
ang ending, walang nanagyari—wala kaming happy meal na
premyo. Kahihiyan pa ang inabot ko, naming apat. Eto talagang McDo...
marunong lang si Jasmine Trias mag hoolahoop, eh pati customer
pinag hu-hoolahoop na rin