An unforgettable defense

Mia Joyce Aspuria

   

October 07, 2004… grabe! Ito na yata ang araw na sobrang kinabahan ako. defense namin para sa planning proposal sa Technical Writing (TechWrite). Group 8 kami—ako, si KC, at Naanne.

 

Saktong alas-otso y media, nagsimula ang grupo nina Garry, Cecil at Rahsa. Nagsimula na rin akong kabugin! Tapos, grupo naman nina Jun-jun, Lj at Frizkon—mas malakas na ang kaba namin dahil sa ayaw at sa gusto namin, kami na ang susunod na grupo.

 

Alas! Kami na! At hindi ko maipaliwanag kung ano bang emosyon ang nararamdaman ko. Nagsimula na si KC. Since nakita ko ‘yung confidence niya, naisip kong dapat ay maging confident din ako para sa grupo. Hanggang sa unti-unti nang ngumingiti si Sir Ballena. Nang ako na ang magsasalita, my God, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Pero unti-unti kong nakayanan ang pagpapatuloy sa mga dapat kong sabihin. Grabe, ang saya ko dahil nakikita ko ang reaksyon ni sir. Ngumingiti-ngiti siya minsan at nagna-nod pa. Ibig sabihin ay nagugustuhan niya ang mga sinasabi namin sa unahan. Ito ang mga nagpalakas ng loob ko. Sunod na sa akin si Naanne, at okay pa rin ang reaksyon ni sir.

 

Sa wakas, natapos din kami. Ang ikinatuwa ko ay nang sinabi ni sir na “Very creative presentation, and great teamwork!” Pagkatapos nito, umiyak na si KC. Naupo na ako at gusting-gusto kong tumalon at umiyak na rin. Pero nang hinanap ko si Naanne, aba ay nawawala! Nang pumunta kami ni KC sa CR, nandoon si Naanne at umiiyak! Doon na ako napaiyak! Nag-hug kaming tatlo at nag-pray. Sobrang mixed emotions talaga ang senaryo na ‘yon! Lahat ng pagod, gastos at hirap—everything was worth it!

 

Naisip ko habang napapaiyak kami ang lahat ng pag-e-edit na pinagdaanan namin, maka-10 pages lang (minimum pages). Imagine, Sunday night na ay kulang pa ng isang pahina. At inabot pa kami ng Lunes.

 

After nga ng defense ay pumunta kami sa bahay nina KC sa Windward, at natulog ng isang oras. Noon lang yata kami nakatulog ng ganoon. Wala na kasing aalalahanin.

 

Kakaibang experience ‘to!

 

Lastly, I wanna greet my fellas—KC Binay, Naanne Descallar and of course, Garry Galit!@ And I alsi wanna thank my crush… si Yeobeh! (Wala lang… epal lang). And syempre, si God… utang namin lahat ng ito sa Kanya!

 

‘Til next defense na lang! Sana successful din ‘yon!

   

back

 

De La Salle University - Dasmariñas has nothing to do with this site, so with the class' newsletter.

Hosted by www.Geocities.ws

1