Ito ang L8st Ngayon!
by: Eric John Salut (08/15/2002)
Hindi pa rin matinag ang Tabing Ilog ng ABS-CBN bilang nangungunang drama program tuwing Linggo. Ito ay taliwas sa claim na tinalo na ito ng isang panghapong programa ng kabilang istasyon. Sa katunayan, dahil sa lakas ng viewership nito, extended ito sa ere at lalo pang pinaganda ang kuwento na siyang ikasisiya ng mga followers ng programa.

The main cast,
John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Desiree del Valle, Paula Peralejo and Paolo Contis remains to be the country's best young performers. Sila pa rin ang nangunguna at pinakasikat sa hanay ng mga kabataang artista ngayon. Sa nasabing programa sila sumikat at nakilala. Dito na-develop ang magkakaibigang turingan ng bawat isa sa kanila.

Sa loob ng apat na taon, naging parte na ng buhay ng bawat Pinoy viewers ang Tabing Ilog. Nasubaybayan ng tao ang paglago ng mga karakter sa programa. Dito rin nadiskubre ang kahusayan sa pagganap ng ilan pang artista na naging parte ng serye, tulad nina
Mylene Dizon, Carol Banawa, Onemig Bondoc, Gerald Madrid, Beth Tamayo, Dimples Romana at Rafael Rosell.

At bilang pasasalamat ng ABS-CBN management sa publiko sa suporta sa Tabing Ilog at bilang pagbibigay-hiling na rin sa tao, extended ito. Asahan din ang lalo pang pagganda ng istorya nito.

Back
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
Hosted by www.Geocities.ws

1