Ito ang L8st Ngayon!
by: Eric John Salut ( (01/09/2003)
After Jericho Rosales at Kristine Hermosa, ang loveteam naman nina Patrick Garcia at Jodi Santamaria ang ilulunsad sa isang bagong teleserye ng Star Cinema at ABS-CBN. Matatandaan na isang sugal para sa ABS-CBN ang ilunsad sina Echo at Tin noon sa Pangako Sa'o.

Ngayon, si Jodi at Patrick naman ang inaasahang magiging pinaka-exciting na screen team up ngayong taon. Malakas din ang naging impact ng loveteam nina Patrick at Jodi noon sa Pangako Sa'Yo. Kahit sa pelikulang Jologs ay marami ang nakapansin na malakas ang screen chemistry nilang dalawa.

Ayaw pang mag-divulge ng detalye ni Mr. Raymund Dizon, executive producer ng new teleserye pero ayon sa kanya, they will make it even more exciting just like Pangako Sa'Yo. Nakapag-taping na pala ang buong cast even before noong Holidays at tuluy-tuloy na ang paggalaw ng kamera sa nasabing teleserye.

Bukod kina Jodi at Patrick, kasama rin sa still untitled teleserye sina Vina Morales, Eula Valdez, Glydel Mercado, Ian Veneracion, Maribeth Bichara, Sharmaine Suarez, Aljon Jimenez, Richard Quan at Ms. Gina Pare�o.

What's even more exciting ay dahil si Rory Quintos ang director ng bagong teleserye. The same director na lumikha ng Pangako Sa'Yo.
Back
Hosted by www.Geocities.ws

1