| Jodi Type Sundan ang Yapak ni Katya | |||||
| by: Leo Bukas (03/19/2003) -- www.journal.com.ph | |||||
SI Jodi Santamaria pala ang bread winner ng kanyang pamilya. Hindi na niya nagisnan ang kanyang tatay at ang nanay na lang niya ang tumatayong padre de familya. Malaki ang naitutulong ng kinikita ni Jodi sa pag-aartista para mabuhay nang maayos ang kanyang pamilya. Gustuhin man daw niya na unahin ang sarili, eh, hindi pupuwede dahil may commitment siya sa kanyang mommy at kapatid. Bata pa lang si Jodi nang iwanan sila ng kanyang tatay. Ni hindi raw niya ito nakilala. At base sa tono ng pana-nalita ng young star nang makausap namin siya recently, ayaw na niyang kilalanin pa ang kanyang tatay. Nang tanungin na-min siya kung ano ang nationality nito, umiling lang siya at sinabing hindi niya rin alam. Walang emptiness na nararamdaman si Jodi kahit wala siyang kinagisnang ama. Kumpleto pa rin daw naman ang buhay niya dahil nandyan ang mommy niya at ang kanyang kapatid . * * * Si Jodi ang ginu-groom ngayon ng ABS-CBN Talent Center bilang ka-loveteam ni Patrick Garcia. Unang nabuo ang team-up nila sa Tabing Ilog hanggang pati sa bagong soap opera na Darating ang Umaga ay pagsamahin na rin sila. Parehong may commitment ang dalawa sa kani-kanilang mga karelasyon, pero di raw 'yon nakaaapekto sa kanilang loveteam. "Ayaw lang naming magpakaplastik na amining kami na ni Patrick kahit hindi naman. Ayaw naming dayain ang tao. Hindi namin ipipilit ang isang bagay na alam naming hindi pa puwedeng mangyari," pahayag ng dalaga. "Basta what we're doing is purely work. Ganu'n lang. Pero malay natin, pag we're both free na, baka ma-develop din kami sa isa't isa," dagdag pa niya. Jodi is already 21- yrs. old, pero hindi';yun halata sa itsura niya. Mukha pa rin kasi siyang teenager. Ikina-shock namin ang sagot niya nang tanungin siya kung kaya rin ba niyang gawin ang pinasok ng ilang dating talents ng ABS-CBN like Rica Peralejo, Katya Santos and Andrea del Rosario na nagpa-sexy na sa pelikula. "Ayokong magsalita ng tapos ngayon. Puwede rin kasi na baka gawin ko rin 'yung ginawa nila pag may magandang offer na dumating sa akin. Pero siguro, not so soon," paliwanag niya. Sabi namin sa kanya, bongga tiyak ang magiging pagtanggap ng publiko kapag nagpaseksi siya sa pelikula. "Actually, nakaka-tense isipin, pero as I've said, I might consider doing it in the future," dagdag pa niya. * * * SPEAKING of Patrick, hindi namin namalayan na binata na talaga ang aktor.Para kasing totoy pa rin siya hanggang ngayon kahit 21 na siya. Hindi kasi siya gaanong tumangkad, but still, pang matinee idol pa rin ang dating niya. Biggest break ni Patrick ngayon ang soap operang Darating ang Umaga.Dito raw siya ipu-fullblast nang todo ng ABS-CBN para ma-reach niya ang ganap na kasikatan. Well, in fairness, it's not too late yet. May ibubuga naman sa acting si Patrick at talagang may itsura siya kaya hindi kami magtataka kung balang araw, eh, maging kasing tanyag na siya ni Aga Muhlach. |
|||||
| Back | |||||