Si Jodi ang Next Important Star ng ABS-CBN!
(An Article from Showbizpinoy.com)
The way we look at it ay mukhang itong young star na si Jodi Sta. Maria ang susunod sa yapak ni Kristine Hermosa. Balita namin ay siya na ang susunod na pagtutuunan ng pansin ng mga big bosses ng Talent Center ng Dos.

It's about time na rin namansiguro 'di ba? Naging maganda kasi ang feedback ng mga tao sa ipinapakitang performance ni Jodi sa kanyang mga regular shows na Tabing-Ilog at Pangako sa 'Yo.

At sa totoo lang, mas marami ang nagsasabing bagay na bagay silang dalawa ni
Patrick Garcia bilang magka-loveteam. Tuloy tuloy na raw ang paglulunsad ng tambalan nina Patrick at Jodi.
Hindi lang sa Tabing-Ilog kung saan higit na nagugustuhan ng mga nakakausap naming mga sumusubaybay sa nasabing drama/teen show ng Dos ang dalawa kung di ibabalik na rin sa Pangako Sa 'Yo si Patrick bilang katambal pa rin ni Jodi.

May mga planong bibigyan din ng mga solo projects si Jodi at ipapareha pa rin naman si Patrick sa ibang mga young stars ng Dos but still hindi raw naman ibig sabihin noon ay bubuwagin na ang loveteam ng dalawa ng ngayon pa lang yata nag-uumpisang makilala nang husto ng kanilang mga tagahanga.
Back
Hosted by www.Geocities.ws

1