"It is evident that Your Divine Majesty does not know what has been going on for a long time on earth!" -- the angel Gabriel to God, quoted from one of Jose Rizal's unfinished manuscripts
main page
articles
web links
about this site
about us
Ang Pananaw ni Jose Rizal
Ukol sa Relihiyon, Batay sa
El Filibusterismo

Raymund Parchamento

Ang kabanatang ito ay may pangunahing layuning suriin ang ikalawang nobela ni Jose Rizal, ang El Filibusterismo, sa naiibang paraan. Subukang suriin ang kanyang sulatin na walang halong impluwensya ng kanyang mga bayograper at mga kritiko, na karaniwangmay kanya-kanyang biases, maging pabor o hindi man sa katauhan ni Rizal.

El

Malinaw na ang dalawang nobela ay magkaiba. Kung titingnan ay mayroong higit na intensity El Fili at lalong higit na pagnanasang ipakitta ang kanyang, tawagin nating mga 'propaganda'. Ngunit ang nais patunayan ng kabanatang ito ay maipaalam sa mga mambabasa kung ano ba talaga ang intensyon ni Rizal: mailarawang mabuti ang mga pang-aabuso na talamak sa kanyang panahon.

Ang plot ng El Fili ay simple lang, may tanging layuning ipakita na ang Pilipinas ay hindi na maaaring dumepende sa bansang Espanya at sa kanyang pamahalaan para gamutin ang mga sakit ng lipunan. Mapapansin na ang nobela ay tumatalakay sa patuloy na kasamaan sa lipunan gayundin sa nangongolonyang pamahalaan na mahusay namang naipakita ni Rizal sa kanyang mga sarkastiko at ironikong pamamaraan, maging sa sitwasyon o tauhan man.

Sa nobelang ito, makikita natin ang pagsasawalang bahala sa personalidad ng tao, partikular sa mga pilipino na madalas na iniluluklok sa pinakamababang antas ng lipunan.isang halimbawa ay ang sapilitang paggawa na makikita nang siHuli ay magtrabaho sa isang prayle(Pare Camorra), may layong tulungan si Basilio na makalaya sa piitan. Isa pang halimbawa nang pang-aabuso ay ang paglalaro sa dignidad ng mga mag-aaral na matatagpuan naman sa buong kabanata XIII. Ang mga pagnanasang imoral at makamundo na malinaw na ipinahayag sa Noli ay matatagpuan din naman sa sitwasyon sa Quaipo Fair, sa pagitan nina Pare Camorra at BenZayb. Ipinakita rin ni Rizal na ang mga Prayle ay gumagawa lamang para sa reward at mas malala, na sila mismo ay tumataliwas sa mga doktrina at mga kaugalian para magkaroon lang ng pagkakakitaan ang simbahan. Binggit rin ni Rizal na ang mg aPraylew ay masasabing manloloko. At marahil ang pinakamalupit na paratang ni Rizal sa mga prayle ay , na sila mismong alagad ng simbahan ay hindi gumagawa ayon sa kanilang pananampalataya, na ang kanilang mga ipinangangaral, lalo't higit na hindi nila pinaniniwalaan.

Ganunpaman, ang nobela ay tumatalakay rin naman sa mga mabuting alagad ng simbahan. Mapapansin ang mga ito sa buong kabanata XXVII, dito ay nagkaroon ng usapan sina Isagani at Pare Fernanadez na binigyan siya ng kalayaang ipahayag ang kanyang mga saloobin at mga kuro-kuro, na lubos namang iginalang ng pare. Isapang alagad ng simbahan ay si Pare Florentino na nagkataong tiyuhin naman ni Isagani. Kinaibigan nito si Simoun ng ito'y makituloy sa kanya ng wala itong matuluyan, ginamot dahil sugatan. Maaalala rin na sa kanya nakituloy si Don Tribucio nang ito ay nagtatago sa kanyang esposa na si Donya Victorina.

Hindi rin natin maaaring limutin ang mga mito at mga pamahiin. Kasama nito ay mga nakasanayang pagsamba sa mg aimahen , p[aggamit ng banal na tubig para gamutin ang mga mayn sakit, paggamit ng iskapularyo ay walang kabuluhang paggamit ng panalangin at mga indolehensya.At higit sa lahat ng mga kasamaang may kaugnayan sa kalagayan ng relihiyon dito sa Pilipinas ay ang 'dominasyon ng simbahan sa bawat mamamayang pilipino'. Para kay Rizal, ang Pilipinas at ang kanyang mga mamamayanay inagawan at tuluyang nawalan ng kalayaan! Dulot na rin ng mga prayle.

Bilang pangwakas sa pananaw ni Rizal ukol sa relihiyon batay sa El Fili, Pagtuonan natin ng pansin ang kanyang palagay sa mga bagay na may kaugnayan sa etika. Tinitingnan ni Rizal ang tao una, bilang isang responsableng nilalalng na nararapat na gamitin agn kanyang mga talentoat ang mga nilaang pagkakataon, sa isang sitwasyon sa lipunan na nangangailangan ng lunas, nararapat lamang na siya ay kumilos kaysa maghintay na lamang sa mangyayari at tumunganga na lamang. Ang ikalawa na may kaugnayan din sa nauna, na ang tao ay kailangang kumilos ayon sa batas ng pag-ibig. Ang tao ay nararapat na gumawa, kumilos ngunit hindi sa paraang mapangwasak o destructive bagkus ay constructive o sa mapayapa at maayos na paraan.


| back to top |









Ipinakita ni Rizal na ang mga prayle ay gumagawa lamang para sa sariling kapakanan; na sila mismo ay tumataliwas sa mga doktrina at mga kaugalian para magkaroon lang ng pagkakakitaan ang simbahan.

































Hindi rin natin maaaring limutin ang mga mito at mga pamahiin: pagsamba sa mga imahen , paggamit ng banal na tubig para ipanggamot sa maysakit, pagsusuot ng iskapularyo, at walang kabuluhang paggamit ng panalangin at mga indolehensya.
All rights reserved. ©2002
University of the Philippines, Diliman
Submitted to Prof. Monico M. Atienza
In partial fulfillment of the requirements for PI 100
Last updated October 17, 2002
Hosted by www.Geocities.ws

1