"It is evident that Your Divine Majesty does not know what has been going on for a long time on earth!" -- the angel Gabriel to God, quoted from one of Jose Rizal's unfinished manuscripts
portal
articles
web links
about this site
about us
Experiment (PI)1-0-0
(paumanhin sa mga di maka-relate)

Mabuhay!

Marahil nagtataka kayo kung anong kinalaman ni Stitch kay Rizal at sa relihiyon. Sa totoo, wala. Gusto lang naming magpapansin. Katuwaan lang. Alam naming iniisip nyo na napakaseryoso (therefore, boring) ng paksa namin, kaya sinikap namin na gawin itong kaaya-aya para sa inyo.

Pero may nabasa kasi kami sa libro ni Eugene Hessel na "The Religious Thoughts of Jose Rizal." Tungkol sya sa isang hindi natapos ni Rizal na nobela-- sa katunayan, wala nga itong title. Naging mapaglaro ang isip ni Rizal noong mga panahong isinusulat niya ito. Sa bungad pa lang, malalaman nating sawa na si God sa earth, kaya ibinabaling na lang Nya ang Kanyang panahon at pagtingin sa ibang mas magagandang planeta (di ba si Stitch taga ibang planeta din? hehehe!)

Sa totoo, napaka-interesting ng mga pananaw ni Rizal tungkol sa relihiyon. Wala nang kung anu-anong dasal at kung sinu-sinong santo't santo papang kailangang kabisaduhin. Simple lang ang sa kanya: gumawa ka ng mabuti sa kapwa.

Kung pananaw ni Rizal ang ating gagamitin, hindi na natin kailangang magsimba at tumanggap ng sakramento. Hindi na natin kailangang mangumunyon, magrosaryo, magnovena, mangumpisal, magdawdaw sa Holy Water, mag-abuloy sa simbahan, magpamisa, bumili ng mga imahen... sa makatuwid, hindi na natin kailangan ang Simbahan. Tuldok. Kawawa naman ang simbahan, wala na silang mapagkakakitaa-- este, matutulunga't maisasalbang kaluluwa. Ating-atin na ang araw ng Linggo; kung hindi ma'y NSTP na lang ang kailangang intindihin.

Kaya naman masasabing walang kinabibilangang relihiyon si Rizal. Hindi sya Katoliko o Protestante o maging Muslim. Mas lalo ding hindi sya ipokrito-- hindi naman relihiyon yon, pero sa dami ng gumagawa para na rin itong may sariling charter. Yung tipo bang mala-Padre Damaso at Padre Salvi...

Si Rizal ay Kristiyano-- naniniwala sa Diyos, naniniwala sa mabubuting gawain ng Diyos, at isinasagawa ang mga mabubuting gawain ng Diyos. Ang konsepto nya ng "God" ay hindi diyos na parang tao kung mag-isip. Hindi ito nilalang na madaling ma-uto sa kaunting halagang ipinundar para sa Kanyang templo. Hindi ito parang tao na nagtatanim ng galit at hindi marunong magpatawad. Diyos nga Sya, e! Madali nyang nauunawaan ang mga katangahan at kahangalan ng kanyang mga nilikha. At aanhin nya ang magandang templo? Rest house nya, ganoon?

Walang masama sa mga pangrelihiyong pananaw ni Rizal. Kakaiba para sa panahon niya-- praktikal, kung ibig nyong iyon ang itawag-- ngunit tapat sa loob. Kelan naging masama ang maghangad ng kabutihan para sa kapwa? Nagkataon lang talaga na masyadong narrow-minded ang mga tao noon, at takot mawalan ng hanapbuhay ang mga prayle.

Tsk! Kawawang Rizal. Malas na lang nya.


| back to top |

All rights reserved. ©2002
University of the Philippines, Diliman
Submitted to Prof. Monico M. Atienza
In partial fulfillment of the requirements for PI 100
Last updated October 17, 2002
Hosted by www.Geocities.ws

1