"It is evident that Your Divine Majesty does not know what has been going on for a long time on earth!" -- the angel Gabriel to God, quoted from one of Jose Rizal's unfinished manuscripts
main page
articles
web links
about this site
about us
Pagbubuod
Constantino Pilarta, Jr.

  • Si Rizal ay hindi nag-aral ng anumang relihiyon o anumang sekta upang maintindihan ang mga kaisipan na dala ng mga dayuhang Kastila patungkol sa relihiyon. Sinasabing may sarili na siyang nabuong kaisipan o paniniwala. Ang kanyang paniniwala'y masasabing mature at systematiko. Ang conscience at reason ay sinasabi niyang dapat manaig sa bawat isa, na hindi tayo dapat manatili sa ilang paniniwalang walang matibay na basehan. Dapat ay sundin ang ating nararamdaman at sa tingin nati'y matuwid.

  • Si Kristo para kay Rizal ay isa lamang tao na bantog na tagapagtatag ng relihiyon. Ang pagsisisi sa kasalanan ay mas katangap-tanggap sa Diyos kung ito ay totoo at taos sa puso kaysa sa mga ritwal.

  • Si Rizal ay di masasabing Romano Katoliko o Protestante, liberal, modernista o rasyonalista. Ang pagiging Kristiyano lamang ang malapit sa paniniwala niya.

  • Ang nabuong kaisipan ni Rizal ay maaring nagsimula pa sa kanyang pagkabata: sa kanyang tahanan, sa simbahan, sa paaralang Katoliko, aklat at babasahin, at sa mga intelektwal na tao. Masasabi rin namang nabuo sa kanya ang ganitong kaisipan dahil siya'y sadyang mahusay at henyo.

  • Hindi naniniwala si Rizal sa anting-anting at pamahiin, kahit pa ito'y kinamulatan nya sa kanyang pagkabata.

  • Ang pagbabago ng "theological thinking" ng ika-20 siglo ay maaaring nagsimula sa ika-19 siglo, na kung saan ang ika-19 siglo ay pinayanig ng malayang bungsod ng kaisipan.

  • Si Rizal ay isang "free believer" at ito marahil ang nagbungsod sa kanya upang labanan at baguhin ang mga nakatanim nang kaisipan. Patunay nito ang kanyang paglaban sa Espanya, sa praylokrasya, na kung ilang daantaon ding ipinariwara ang kamalayan ng mga Pilipino. Sinasabi ni Rizal na dapat bukas lamang parati an ating kaisipan sa pag-unawa sa katotohanan. Hindi por que't galing sa bibig ng isang prayle ay tiyak na tama na ang isang bagay.

  • Maliwanag na naipakita ni Rizal sa kanyang mga nobela ang pagiging ipokrito ng relihiyon. May Kristyano sa puso at gawa, at meron din namang "Kristyano" kuno na hanggang salita at pakitang tao lamang. Mamamalas kung sino ang tunay na Kristyano sa paghahambing sa mga sumusunod na tauhan: si Elias o si Kapitan Tiago? Si Padre Salvi o si Padre Florentino?

  • Bagamat ginamit din ni Rizal ang bibliya, di sya ganap na tumalima dito. Hindi naman nya sinabi na maging anti-Catholic tayo; gusto lamang niyang maging malaya ang kaisipan. Nagkataon nga lang na ang relihiyon noon ang siyang ginagamit na pangtanikala sa likas na mapamahiing mga Pilipino.

  • Si Rizal ang tagapagising sa mga natutulog na mga kaluluwa: Malayang kaisipan para sa lahat!


| back to top |

All rights reserved. ©2002
University of the Philippines, Diliman
Submitted to Prof. Monico M. Atienza
In partial fulfillment of the requirements for PI 100
Last updated October 17, 2002
Hosted by www.Geocities.ws

1