|
|
List of Articles
Manix | Glenn | Agatha | Yna | Liz | Raymund | Cons | Jans Rizal and the Bible by Manuel Abrera Hindi nakapagtataka na gumamit si Rizal ng mga quotations at allusions galing sa Biblia dahil malaking bahagi ang laman ng relihiyon sa kanyang mga nobela. Hindi rin nakapagtataka kung komiks imbes na artikulo ang makikita nyo sa link na ito (Ano?! Di nyo kilala si Manix?! Magbasa nga kayo ng Kule!). Dear Rizal...by Glenn Destacamento Diyata't nagkamali ang ating mga bayani sa pag-aakalang gusto nating maging malaya? na Masisisi ba natin si Rizal kung nagpaka-Nostradamus sya sa pagsulat ng "The Philippines: A Century Hence?" Ayan tuloy, mukhang nagkakatotoo na ang kanyang mga projections... Basahin ang isang makabagbag-damdaming liham para kay Rizal, mula sa isang tila disillusioned na mag-aaral ng P.I. 100. Agent J(esus)?!by Agatha Guidaben Sayang at hindi natapos isulat ni Rizal ang "Friars and Filipinos." Kung nagkataon lang at sa panahon ngayon inilathala ito, naku! Nanalo ito marahil sa Palanca (pero teka, aanhin pa ni Rizal ang Palanca?). Sukat ba namang pabalikin sa earth sina Jesus at St. Peter bilang undercover agents. Naharang pa nga sila sa customs, at napakulong pa si Jesus. Para sa mga allergic sa salitang "relihiyon" at sa mga nagiging abo pag tumutuntong sa simbahan, para sa inyo ang artikulong ito. Panrelihiyong pananaw ni Jose Rizal sa Noli Me Tangereby Marie Evangeline Lopez Naks, bigat ng dating ng title, no? Sa siping ito, nagbigay si Rizal ng tatlong kasamaan ng simbahang Katoliko: Ang hypocrisy o pagkamapagkunwari, superstition, at ang komersyalismo. Kung maaalala nyo pati, mismong si Padre Damaso, ayaw pagmadrehin si Maria Clara dahil baka mapagsamantalahan lang ang dalaga sa loob ng kumbento. Pero syempre di naman eksaktong ganoon ang pagkakapaliwanag ni Padre Damaso. Ooo... bigat, no? Basahin nyo na lang ito para mas asteg. Ang Pananaw ni Jose Rizal Ukol sa Relihiyon,Batay sa El Filibusterismo by Raymund Parchamento Isa pa 'to. Bigat din ng title. Sabi naman dito, kailangan ng taong kumilos ayon sa batas ng pag-ibig, at wag maging mapanira at war-freak gaya ni Simoun. Atsaka di naman lahat ng prayle ay salbahe, meron din namang matitino at tapat sa tungkulin gaya ni Padre Fernandez. Kaya nga lang, sadyang mas marami noon ang mga walang kwentang prayle. Trip lang nila na pagsuotin ang tao ng katakut-takot na scapular at basbasan ng holy water, pero ang totoo, pinagkakaperahan lang nila ang mga kawawang manang at manong. Pagbubuodby Constantino Pilarta, Jr. Tinatamad ka bang magbasa? Wag. Masama yan. Pero kung talagang di ka mapigilan, mag-shortcut ka dito. Pinagsama-sama na dito lahat ng mga puntos tungkol sa religious thoughts ni Rizal ayon sa libro ni Eugene Hessel (obvious ba...). At Iba Pang mga Suri...Na sa kasamaang palad ay hindi naisama dito. Hindi naman dahil sa kung anupaman. Nagsipaggawaan naman sina Liz at Jans ng kani-kaniyang mga summary and analysis. Lahat sila ay nakapag-ulat din ng mahusay sa klase tungkol sa mga na-assign sa kanilang paksa. Nagkataon lang na pumalpak ang e-mailing system ng Yahoo at hindi nakarating kay Agatha yung mga ipinasa nila para mailagay sa website. Paumanhin po. Susubukan naming maidagdag kaagad dito ang kanilang mga artikulo sa oras na matanggap namin ang mga iwinaglit na e-mail ng dyaskeng Yahoo. |
|
|
All rights reserved. ©2002 University of the Philippines, Diliman Submitted to Prof. Monico M. Atienza In partial fulfillment of the requirements for PI 100 Last updated October 17, 2002 |