97. PAANO GAWIN ANG KAMATIS NA KENDI

Sa tag-araw na saganang sagana ang bunga ng kamatis, dapat itong imbakin sa iba't ibang paraan upang magamit sa panahon ng tagsalat.   Ang isa dito ay ang paggawa ng kendi.
Mga kailangan:
� hinog (pulang) kamatis na makapal ang laman.
� asukal na puti
� garapong pagtataguan o mga sisidlan

Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan, banlian at alisan ng balat ang mga kamatis.
2. Hiwain pahalang sa gitna at alisan ng buto.
3. Lagyan ng asukal na kasindami ng kamatis, at iwan magdamag.
4. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang maging malinaw.
5. Ilatag ang mga kendi sa trey at paarawan upang matuyo, o initin sa oben (cabinet drier) hanggang halos tuyo.
6. Ipagulong sa asukal na puti at patuyuin muli hanggang maging malutong.
7. Ibalot sa cellophane o plastik o itago sa mga garapon.

98. PAANO GAWIN ANG  PINYA KENDI

Mga sangkap:                   
� 1        pinya (katamtamang laki)
� 4         tasang asukal
Mga kagamitan:
� kawali/kaserola
� kandila
� sangkalan
� bandeha
� tasang panukat
� kalan
� kutsilyo
� cellophane/plastik bag
� kutsara
� solar drier
� salaan

Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang pinya at alisan ng mata.  Hugasan.
2. Hiwain at alisin ang matigas na bahagi sa gitna.
3. Putul-putulin nang pakuwadrado.
4. Ihanda ang arnibal (2 tasang asukal at 1 tasang tubig).
5. Pakuluan ang arnibal.  Ilagay ang pinya at pakuluan sa loob ng 20 minuto.
6. Ibabad magdamag.
7. Salain at hugasang mabuti sa tubig.
8. Patuyuin sa solar drier sa loob ng 16-20 na oras.
9. Palamigin.
10. Igulong sa asukal at balutin ng cellophane.
11. Ilagay sa plastik bag. 
12. Isara ang dulo ng plastik bag sa pamamagitan ng apoy ng kandila.

99. PAANO GUMAWA NG SAYOTENG KENDI

Materyales:
� sayote
� asukal
� apog-1/2 kutsarita

Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan at talupan ang sayote, alisin ang gitna at hiwain nang pahaba.
2. Magtunaw ng � kutsaritang apog sa 4 � tasang tubig, ibabad ang sayote dito nang 3 oras.
3. Patuluin ang sayote, ilagay sa kumukulong tubig nang mga 5 minuto; patuluin muli.
4. Sa bawat kilo ng sayote, maglagay ng � tasang asukal, haluing mabuti at hayaang nakababad sa asukal nang magdamag.  Patiktikin.
5. Maglagay ulit ng � tasa asukal, pakuluin at ibabad ulit dito ang sayote.
6. Patuluin, ilagay ang sayote sa mainit na tubig.
7. Kunin ang arnibal.  Ulitin ang pamamaraan #5 at pakuluin ang asukal hanggang lumapot.
8. Ibabad ang sayote dito nang ilang araw.
9. Patiktikin at ilagay sa mainit na tubig.
10. Hayaang matuyo.  Palamigin at isupot sa plastik.
Back to Pinoy Negosyo Home Page
Hosted by www.Geocities.ws

1