92. PAANO GAWIN ANG MANGO JAM

Sa paggawa ng mango jam, huwag gamitan ng mga bakal na kagamitan tulad ng kutsilyo, kaserola o iba pa upang hindi mangitim ang kalabasang jam.
Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang manggang hinog, hiwain at kayurin ang laman.
2. Salain ito sa magaspang na salaan.
3. Sa bawat dalawang(2) tasang laman ng mangga, lagyan ng isang (1) tasang asukal.
4. Lutuin sa mabigat na aluminyong kaserola o kawale , at haluin nang haluin hanggang lumapot.
5. Isalin sa mga garapong pinakuluan (o pinaarawan) at takpan.


93. PAANO GAWIN ANG TINUYONG MATAMIS NA MANGGA


Mga manggang Pico ang nasubukan nang gawing kendi, sa paraang sumusunod:
1. Hiwahiwain ang laman ng mangga.
2. Lagyan ng sirop unti-unti upang masipsip nito nang husto ang asukal- mula 50'-60'Bx.
3. Lagyan ng 0.2% sodium metabisulfite upang hindi ito masira.
4. Patuyuin sa oben tulad ng pagpapatuyo sa ibang minatamis. (54'C sa 2 oras hanggang ang halumigmig ay bumaba nang 16%).


94. PAANO GAWIN ANG MANGO CHUTNEY

Mga Sangkap:
� 4 tasang hiniwang mangga(manibalang)
� 1/2 pirasong luya
� 1 ulo ng bawang
� 8 pirasong sibuyas-tagalog
� 2 pirasong paminta
� 1 maliit na kahon ng pasas
� 2 tasang suka
� 3 tasang pulang asukal
� 4 kutsarang asin(magaspang)

Mga kagamitan:
� kutsilyong stainless
� kaserola
� palangganang enamel
� sandok
� tasang sukatan
� kalan
� sangkalan
� garapon

Paraan ng paggawa:
1. Piliin ang halos magkakasinglaking manibalang na mangga.
2. Hugasan mabuti.
3. Balatan at hatiin sa dalawa ang mangga. Huwag isama ang buto.
4. Hiwain ang mangga nang pahaba(1/4 pulgada ang kapal).
5. Ilagay sa garapon at budburan ng 4 na kutsarang magaspang na asin.
6. Isa-isantabi nang magdamag.
7. Patiktikin ang mangga.
8. Pakuluan ang suka at asukal.
9. Idagdag ang mga pampalasa at patuloy na initin sa loob ng 5 minuto.
10. Ilagay ang hiniwang mangga at lutuin hanggang lumapot ang pinaghalong asukal, suka at ibang pampalasa.
11. Isalin sa pinakuluang bote at takpan.
12. Palamigin nang nakabaligtad at iimbak.


95. PAANO GAWIN ANG BINURONG MANGGA

Paraan ng Paggawa:
1. Hiwahiwain ang manggang hilaw, hugasan.
2. Budburan ng asin (na hindi hihigit sa 10% at hindi kukulangin sa 5% sa katumbas na dami ng tubig kapag tinubigan ito).
3. Kinabukasan, lagyan ng katumbas na dami ng tubig, at hayaang 2 linggo.

96. PAANO GAWIN ANG TINUYONG MATAMIS NA PAPAYA

May mga lugar na umaani nang saganang sagan sa mga bungangkahoy ngunit wala namang paraan na mailuwas sa mga pamilihan tulad ng kung may mga pangyayaring hindi maiwasan. Sa halip na hayaang mabulok ang mga bungang ito, halimbawa papaya, matamisin na lang sila at ipagbili o ihain kung kailan may pagkakataon o kung kailan kailangan.  Maaring tumagal ang minatamis na papaya, halimbawa, nang 10 buwan sa pagkakaimbak.

Materyales:
� Manibalang na papaya
� Kalamansi - 1 kutsarang katas sa bawat tasa ng sirup
� Sodium metabisulfate powder: sa bawat 1/4 kutsarita, lagyan ng: 1 kutsaritang apog sa 4 na tasang tubig.

Sirup:
� 1 bahaging asukal sa 2 bahaging tubig
� 1 kilong asukal sa bawat kilo ng hiniwang papaya

Paraan ng Paggawa:
1. Hugasang mabuti ang manibalang na papaya, balatan, alisan ng buto at hugasang muli.
2. Hiwahiwain nang mga 12 x 4 cm.
3. Ayusin sa nylon o sinamay at pasingawan sa kumukulong tubig nang mga 5-6 minuto.
4. Ibabad ang papaya magdamag sa timplada ng apog at matabisulfite solution.
5. Patuluin.
6. Ilubog ang papaya sa mainit na sirup na may kalamansi.  Hayaan magdamag.
7. Kinabukasan, patuluin ang sirup at dagdagan pa ng 1 1/2 tasang asukal.
8. Ilubog ang papaya sa mainit na sirup at hayaan magdamag.
9. Ulitin ang bilang 7,8,at 9 nang 3 araw pa.
10. Patuluin at banglawan.  Ayus-ayusin sa trey at i-oben sa 65'-70'C nang 16-18 oras, o sa araw hanggang kumunat.
11. Isupot at itago.
Back to Pinoy Negosyo Home Page
Hosted by www.Geocities.ws

1