![]() |
![]() |
| 88. PAANO GAWIN ANG CASSAVA CHIPPY Materyales: � 1/2 kilo kinudkod na kasaba � 3 gramo betsin � 1/2 gramo barbecue spice � 1/2 gramo pamintang itim � 5 1/2 gramo asin Paraan ng Paggawa: 1. Linisin at balatan ang kasaba, kudkurin. 2. Pagsamasamahin lahat ng sangkap at kasaba. Haluing mabuti hanggang maging malapot na pasta. 3. Ilatag nang manipis at pantay sa dahon ng saging o sa aluminum trey. 4. Pasingawan nang mga 5 minuto. 5. Alisan sa pasingawan at ilagay sa sangkalan. Hiwain nang mga 4 x 1 1/2 cm laki. 6. Alisan ang hiwahiwang pinasingawan at ayusin sa butas-butas na trey. 7. Patuyuin ang mga ito sa araw o patuyuan hanggang lumutong. 8. Ilagay sa supot na plastik at sarhan. Maari na itong iprito na kasaba-chippy. 89. PAANO GAWIN ANG CASSAVA CHIPS Materyales: � 1 kilo kasaba � 1 kutsaritang betsin � 1 1/2 kutsaritang barbecue spice panlasang barbecue) � 3 kutsarang asin at isa pang kurot na asin at isa pang kurot na asin. � 9 1/2 tasang tubig Paraan ng Paggawa: 1. Hugasang mabuti ang kasaba, balatan at hiwain pahalang nang maninipis na maninipis. 2. Ibabad sa 2% asin sa tubig na kasama ang mga panlasa. 3. Ilatag ang hiwa-hiwang kasaba sa trey at pasingawan nang 5 minuto. 4. Tuyuin ang pinasingawang hiwahiwang kasaba sa solar drier (o artificial drier sa init sa 60'C nang 5 oras). 5. Ibalot sa plastik na supot, sarhan at lagyan ng pangalan. Maaring itago o iprito na cassava chips. 90. PAANO GAWIN ANG CASSAVA BUTTER CAKE Materyales: � 1 3/4 tasa pulbos na kasaba � 1/4 tasa pulbos ng munggo � 1 tasa asukal � 1 tasa gatas na binantuan � 1/2 tasa margarine � 2 itlog � 2 kutsarita baking powder � 1/2 kutsarita vanilla Paraan ng Paggawa: 1. Salain samasama ang sinukat na harinang kasaba at baking powder. 2. Sa malaking tason, mag-krema ng margarin hanggang maging pino ito. 3. Unti-unting ilagay ang asukal at haluing mabuti. 4. Salit salit na ilagay unti-unti ang: binating pula ng itlog harinang kasaba harinang munggo baking powder at gatas 5. Haluing mabuti ang mga ito nang isang direksiyon lang ang paglaho. 6. Batihin ang puti ng itlog hanggang yumabong at tumigas. 7. Ihalo unti-unti sa paghalo ng mga naunang sangkap. 8. Ilagay (lahat) sa panghornong lalagyan (pan) at iluto sa 307'C nang 25-30 minuto. 9. Alisin sa oben at palamigin. Ihain. 91. PAANO ANG PAGGAWA NG TAHO (mula sa Soybean) Mga kailangan: � 3 tasang soybean(walang sakit at bagong ani) � 2 bar puting gulaman � 3 tasang asukal na pula � panala(katsa o nylon) Paraan ng Paggawa: 1. Ibabad magdamag ang soybean sa tubig na 3 beses ang dami kaysa sa mga buto. 2. Alisan ng balok, gilingin; Dagdagan ng tubig unti-unti (mga 6 na tasa) habang ginigiling. 3. Magpakulo ng 7 tasang tubig sa isang kaserola, ilagay ang 2 bar na gulaman hanggang matunaw ito. 4. Ibuhos ang giniling na soybean sa kumukulo at orasan ito nang 7 minuto o hanggang mawala ang amoy ng butil. 5. Salain upang maihawalay ang gatas. 6. Itabi hanggang mamuo. 7. Ihain na may syrop(3 tasang nilusaw na asukal na pula sa 1 tasang tubig). 8. Maaring ikaramelo ang asukal upang maging mas maganda ang kulay at mas masarap. |