84. HOW TO MAKE KUTSINTANG KALABASA

Materyales:
� 1 tasang kalabasa na nilaga at minasa
� 3/4 tasang asukal na pula
� 3/4 tasang arina (all-purpose flour), salain
� 1 tasang tubig
� 1 kutsaritang lihia (lusawin)

Paraan ng Paggawa:
1. Lusawin ang asukal sa tubig at pakuluan. Palamigin.
2. Unti-unting ilagay ang arina.
3. Ilagay ang kalabasa at haluin nang haluin hanggang pino.
4. Salain.
5. Ilagay ang lusaw na lihia, haluin.
6. Imolde sa mga pan ng mamon na hindi puno. (Lagyan ng patlang mula sa itaas dahil aalsa ito pag naluto.)

85. HOW TO MAKE KALABASANG MAHA

Materyales:
� 1 tasang cornstarch(arina ng mais)
� 3 tasang ikalawang gata ng niyog
� 1 tasang unang gata ng niyog
� 1 1/2 tasang durog na kalabasa(nilaga at minasa)
� 1/4 kutsaritang vanilla 

Paraan ng Paggawa:
1. Paghalu-haluin ang cornstarch at 1 tasang ika-2 gata.
2. Ilagay ang 2 tasa pa, ang 1 tasang unang gata, kalabasa, asukal, at vanilla. Haluing mabuti, salain.
3. Lutuin sa mahinang apoy at haluin nang haluin hanggang lumapot.
4. Imolde, palamigin.
5. Lagyan ng budbud kapag ihahain.
Paggawa ng budbud:  
1. 1/3 tasa ng asukal sa bawat 1 tasa ng sapal ng niyog.
2. Isangag hanggang maging golden brown ang kulay.

86. PAANO GAWIN ANG KALABASA MAIS NA CHIPS

Materyales:
� kalabasa
� mais na harina
� pampalasa (flavoring)
� asukal (o asin)
� mantika
Paraan ng Paggawa:
1. Balatan ang kalabasa, hiwahiwain   nang maninipis, pasingawan at gilingin.
2. Ihalo sa kalabasa ang harinang  mais sa daming: 7 bahaging kalabasa(70%), 8 bahaging mais  (30%)
3. Ihalo ang pampalasa (asukal o asin at flavoring).
4. Pasingawan nang 15 minuto
5. Padaanin sa makina ng noodle sa kapal na 1.2 cm chips.
6. Tuyuin ang mga lumalabas na  chips sa forced draft oven sa init na 65'C-70'C nang 2 1/2 oras.   Tatagal ito nang 6 na linggo sa supot na plastik at 10 linggo sa supot na laminated.

87. PAANO GAWIN ANG MASUSTANSIYANG "CRUNCHIES"

Likas sa mga batang lumalaki ang maging masigla at malikot sapagkat puno sila ng enerhiya.  Ngunit dahil din lumalaki ang kanilang mga sangkap at buto, lalo nilang kailangan ang sustangsiya upang matugunang ang pangangailangang ito at matustusan ang kailangang enerhiyang lumalabas sa kanila.
Dahil dito, natural na maging mahilig kumain ang mga bata kaya dapat na ang kanilang kinakain ay mga pagkaing may katuturan, at hindi mga walang saysay na pagkain o "junk food".
Ang paghahalo ng munggo at mais ay magbibigay ng malaking pagtustos sa kailangan nilang enerhiya.  Pinayaman ito sa Bitamina B at A sa sumusunod na paraan:
Materyales:
� 5 1/4 tasa arinang mais (o 800 gramo)
� 1 3/4 tasa arinang munggo (200 g)
� 5 tasa tubig (900 ml o kulang isang litro)
� 2 tasa langis na panluto
� Panlasang barbecue o keso (artificial flavor)
� Bitamina
Paraan ng Paggawa:
1. Ihanda ang pinulbos na mais at munggo sa paggiling nito nang magkabukod.
2. Ihalo ang arinang mais sa arinang munggo.
3. Idagdag ang tubig at mga bitamina, haluing mabuti hanggang maging pino.
4. Isalin ang masa sa mga aluminum na molde nang mga 1.3 cm kapal.
5. Pasingawan ito nang mga 20 minuto.
6. Padaanin ang masa sa panghiwa (sa korteng nais) at 2 cm kapal.
7. Tuyuin sa oben (60'-65'C)  nang 2 oras o sa araw.
8. Iprito nang lubog sa mantika hanggang kulay golden brown.
9. Isalin sa pan at budburan nang pantay ng artificial flavor.
10. Itago sa plastik na supot hanggang nais nang ihain.
Back to Pinoy Negosyo Home Page
Hosted by www.Geocities.ws

1