103. PAANO GUMAWA NG  SUKA MULA SA BALAT NG SAGING

Mga Kailangan:
Sa bawat isang kilong balat  ng saging(saba o cavendish)
� 3/4 na tasang asukal
� 1/4 na tasang ammonium sulfite
� sukang panimula (vinegar starter, nabibili sa ITDI Pedro Gil cor. Taft, Manila)
� baker's yeast

Paraan ng Paggawa:
1. Lagyan ng 4 na tasang tubig ang balat ng saging at pakuluan.
2. Kunin ang katas, salain sa katsa.
3. Ilagay ang ammonium sulfite at asukal, palamigin.
4. Lagyan ng katiting na baker's yeast.
5. Hayaang mamanis nang 8 araw.  Ang magiging taglay na alkohol nito ay mga 9%-10%. 
6. Lagyan ng isang tasang vinegar starter at itabi.
7. Hayaang umasim sa loob ng 27 araw.  Sa panahong iyon ay 4%-6% ang alkohol.
8. Ibote at itabi upang lalo pang umasim.


104. PAANO ANG PAGGAWA NG   TOKWA

Mga kailangan:
� 1 tasang soybean
� 1 kutsaritang suka
Paraan ng Paggawa:
1. Ibabad ang mga butil ng soybean magdamag.  Palitan ang tubig nang ilang beses, alisan ng mga lumulutang.
2. Hugasan, gilingin ang soybean.  Lagyan ng mga 6 na tasang tubig sa bawat tasa ng butil habang ginigiling.
3. Ilaga ang giniling na soybean nang mga kalahating oras na hinahalo habang niluluto.
4. Salain sa katsa ang nalutong soybean.
5. Ihalong mabuti dito ang 1 kutsaritang suka sa bawat tasa ng soybean.
6. Balutin sa tela ang namuong soybean.
7. Alisan ng natitirang tubig sa pamamagitan ng paglalagay ng pabigat sa ibawbaw nito.
8. Ang mamumuong gatas o tokwa ay magagamit nang panghalili sa karne(o panggulay).


105. PAANO ANG PAGGAWA NG MISO

Ang miso ay may tatlong uri - puting miso, maalat na miso, at may katamtamang alat na miso.  Ang paghahanda sa mga ito ay naayon sa tagal ng pagbuburo.

Ang mga kailangan ay ang sumusunod:
� Kahoy na kahon 60 x 30 x 5 cm.
� Pressure cooker o caserolang lutuan
� Panligis ng mga butil   

A. Puting Miso
1/2 kilong soybean
1 kilong bigas
300 gramong asin
Panimula (starter- A. oryzae)

B. Katamtamang Alat at Madilaw-dilaw na Miso
5 kilong soybean
5 kilong bigas
2 kilong asin
Panimula

C. Maalat at Mapulang Miso
5 kilong soybean
3 kilong bigas
2-10 gramong asin

Panimula
Paraan ng Paggawa:

BIGAS
1. Hugasan ang bigas, ibabad magdamag.
2. Pasingawan hanggang maari nang maligis sa daliri.
3. Palamigin hanggang 35'C at ilagay ang starter.
4. Ihalo itong mabuti ilagay sa kahon sa lugar na ang init ay mga 25'C. Kung magiging mas maiinit pa rito, buksan ang mga lagusan ng hangin at hayaang mahanginan ito.
5. Hayaang manganak ang amang sa loob ng 24-48 oras. Haluin ang kanin sa kahon tuwing 5 oras at pagpalitpalitin ang lugar o salansan ng kahon.

SOYBEAN
1. Linisin ang soybean, ibabad magdamag.
2. Palitan nang 3 beses ang tubig at alisan ng balok
3. Ilaga ( o i-pressure cook) sa 2 bahagi ng tubig hanggang lumambot, palamigin.
4. Durugin ( o lamasin).
5. Ihalong mabuti ang kanin na nilagyan ng amag at asin, ( magtabi ng mga 20 gramong asin na panlagay sa ibabaw ng mga pagsisidlang bariles).
6. Ilagay nang siksik sa bariles (walang-hangin).  Kinisin ang ibabaw at lagyan ng asin.
7. Takpan ng plastik, daganan nang hindi lumutang.
8. Ilagay sa silid na mga 15'C-30'C lamig.
9. Hayaan itong mamanis nang isang buwan para sa puting miso; 3 buwan para sa katamtamang alat ng miso; at 6 na buwan para sa maalat na miso.
10. Gilingin ang pinapanis na miso.
11. Ibanyo marya (pakuluan   sa double boiler sa 50'C nang mga 20 minuto.
12. Isilid sa mga supot na plastik, alisan ng hangin at sarahan.
Back to Pinoy Negosyo Home Page
Hosted by www.Geocities.ws

1