![]() |
![]() |
| 100. PAANO GUMAWA NG SAYOTENG "CATSUP" Materyales: � Sayote � asin � Siling maanghang � sodium benzoate � suka � sibuyas � asukal � bawang Paraan ng Paggawa: 1. Hugasan ang sayote at hiwaing pahaba. 2. Balatan, alisan ng buto, at hiwaing maliliit na kuadrado(cubes). 3. Pakuluan sa kaunting tubig. 4. Patuluin, ligising mabuti. 5. Maggayat ng sibuyas, bawang, siling maanghang. 6. Paghaluhaluin sa sapat na suka, asukal at isang kurot na asin. 7. Lutuin hanggang sa lumapot. 8. Magtunaw ng pangkulay sa pagkain sa � tasang tubig, samahan ng katiting sa �sodium benzoate�. 9. Ibote, pasingawin 101. PAANO GUMAWA NG KENDING SANTOL Mga kailangan: � Santol � asukal � lihiya (commercial flakes ng sodium hydroxide) Mga kagamitan: � trey na aluminyo � panghalo o sandok na kahoy � trey na alambre o kawayan � kaserola (stainless, porselana o mabigat na aluminyo) � kutsilyo � termometro Paraan ng Paggawa: 1. Hugasan sa umaagos na tubig ang santol. 2. Banlian sa kumukulong tubig nang mga 3-5 minuto. 3. Ilubog sa 5% lihiya nang 5 minuto sa init na halos kulo (94'C) (humigit-kumulang isang tasang sodium hydroxide solution sa 3 litrong tubig). 4. Ilagay agad sa umaagos na tubig at kayurin ang balat. 5. Hiwahiwain, alisan ng buto. 6. Ihanda ang syrup-1/2 tasang asukal sa bawat tasa ng tubig, dito ilagay ang mga prutas-hustong matakpan sa lalagyan. 7. Pakuluan ang santol sa syrup na ito nang mga 3-5 minuto at ibabad dito magdama. 8. Alisan ng syrup. Dagdagan ng 1/2 tasang asukal sa bawat 3 tasang syrup at pakuluan hanggang lumapot. 9. Ilagay ang santol habang mainit, iwanan dito magdamag. 10. Ulitin ito nang 3 beses. 11. Sa huling pagbabad sa syrup, alisin at banlawan sa tubig ang santol. 12. Ilatag sa trey na alambre at patuyuin sa araw o sa solar drier. 13. Isupot sa plastik bago itago. 102. PAANO GUMAWA NG SUKA MULA SA SABAW NG BIGAS Ang kailangan: � asukal na puti- 3/4 tasa sa bawat tasa ng hugas-bigas. Paraan ng paggawa: 1. Salain ang ika-2 hugas-bigas sa malinis na tela. 2. Sa bawat tasa ng sinalang hugas, lagyan ng 3/4 na tasa ng asukal na puti. Haluing mabuti nang matunaw ang asukal. 3. Ilagay sa kaserola at ibanyo marya nang mga 20 minuto. Palamigin. 4. Ilipat sa galon o tapayan. 5. Lagyan ng yeast (paalsa o lebadura) 1/4 kutsaritang yeast sa bawat 4 na tasang hugas. 6. Hayaang mamanis 4-7 araw, o hanggang wala nang bula. 7. Salain ang maalkohol na hugas upang maihiwalay ang yeast. 8. Sa hugas na ito, idagdag ang panimulang suka - 1 tasang vinegar starter sa 4 na tasang hugas. 9. Itabi nang isang buwan o hanggang matamo ang asim na nais. 10. Patandain ang suka sa tapayan o damahuwana. 11. Salain at ibanyo marya bago ibote. 12. Kung nais ang malinaw na suka, lagyan ng binating puti ng itlog (2 itlog sa bawat 40 tasang suka) at salain. |