
QUOTES |
MY FRIENDS
|
Ng ikaw ay aking natutunan mahalin
pinangako sa sarili na ikaw lamang ang iibigin
kahit sinong mang lalaki hindi maaring agawin
ang pagmamahal na sa iyo lamang inihain.
hiling ng puso ko'y iyong iingatan
sapagkat ito'y takot na muling masaktan
tama na ang sakit na minsang nagdaan
at hindi na nanaisin pang muling maranasan.
salamat sa pagdating mo sa aking buhay
pagkat wagas na pag-ibig ay iyong inialay
na nagdulot ng kaligayahang walang kapantay
kaya sa puso ko ika'y iingatan magpahabang-buhay.
Mahal ko, ito ay iyong pagkakatandaan
ikaw lamang ang mamahalin magpakailanman
Yan ang sumpa ng pag-ibig tanging sayo inilaan
kaya makakaasa ka sa akin magpakailanman.


