| Koalisyon ng mga Mamamayan Para Itigil ang Gyera (Peoples Coalition Against the War- PCAW ) Panawagan sa Pagkilos ITIGIL ANG DIGMA! AYAW NAMIN NG GYERA! Ginagamit ng Gobyerno ng US ang pagatake noong Setyembre 11 bilang isang dahilan upang patindihin ang pananalakay sa Gitnang Asya sa layuning hawakan ang malawak na reserbang langis sa lugar na nagkakahalaga ng trillyong -trilyong dolyar. Idinadahilan ang paghahanap ng katarungan, naghulog na sila ng ilang libong bomba sa isa sa pinakamahirap na bansa, pumatay ng libu-libong tao na walang kinalaman sa pagtake noong Setyembre 11. Ginawa rin nitong dahilan na salakayin ang anumang bansa na ayaw sumunod sa naisin ng US.'Ginagamit nito ang mga pamahayagan(media) ana kontrolado ng mga korporasyon bilang tagapagsalita, ginagamit ng US ang taskot at ang pagiging makabayan ng mga tao upang ipagpatuloy ang mga patakran nito ng digmaan at terrorismo. Bago pa man matapos kanilang pamboboba pinaguusapan na nila kung anong lugr ang susunod na bobombahin. Naniniwala kami na ang pagkahaling sa digmaan ay mapanganib at dapat itigil. Maraming inosenteng buhay ang mapupuksa kapag ang kabaliwang ito ng terorismo at pangwawasak ay hindi matitigil. LABANAN ANG LAHAT NG URI NG TERORISMO Upang maalis ang terorismo, dapat nating maunawaan ang mga ugat nito. Dahil sa pagkagahaman sa tubo para sa mga multinasyunal na korporasyon at mga kartel, inaalipin at pinagsasamantalahan ng US ang bilyong-bilyong mamamayan sa buong daigdig. Upang matamo ang kanilang hangarin, ginagamit ng "US military industrial complex" ang lahat ng kakayahan nito tulad ng paglalagay at pagsuporta sa mga mapangapi at papet na gobyerno tulad ng Saudi Arabia, Ehipto, Jordan at iba pa at sa pagpapabagsak ng mga popular na gobyerno tulad ng sa Iran noong 1954, na halal na gobyerno ni Lumumba sa Congo at ni Salvador Allende ng Chile, ang pambobomba sa Iraq, Libya, Sudan, Somalia, Panama, Granda, Yugoslavia at Afghanistan. BAGUHIN ANG PATAKARANG MAPANALAKAY AT AGRESYON NG US. Malinaw na kasapakat ang US sa agresyon ng Israel laban sa mga Palestino. Nagsawalang kibo ang US lalo na sina Bush at Powel habang walang habas na sinusupil ng Israel ang mga Palestino at winasak ang Awtoridad ng Palestino. Sa Pilipinas nagpadala pa ng mahigit 3,000 tropang US para diumano "supilin ang mga terorista. Sa Iraq, ang mga parusang panekonomiko ay nagdulot ng kamatayan sa 1.5 milyong tao karamihan sa kanila ay mga bata. Upang isulong ang kanilang hegemonya at dominasyon sa mga estratehiko at kritikal na mga lugar sa Gitnang Silangan lalo na ang rekursosng langis, bibigyan ng US ng walang kondisyong suporta ang brutal na estado ng Israel na omukupa sa Palestina, lumikha ng milyong refugees at umaaktong pulis laban sa mga kilusang mapagpalayang Arabo sa rehiyon. ITIGL ANG RASISTANG PAGATAKE SA ATING MGA KOMUNIDAD Sa larangang panloob ginamit ng gobyernong US ang apagtake noong Setyembre 11 bilang dahilan upang supilin ang mga karapatang sibil na matagal at mahirap na ipinaglaban ng mga mamamayang Amerikano- lalo na ang racial profiling, mga korteng militar, Ang "Patriot Act", ang maramihang pagbibilanggo ng mga taong nangaling sa ibang bansa at hindi pagbibigay sa kanila ng karapatang makausap ang abogado o ang kanilang mga pamilya, ang pagbibigay ng mas maraming kapangyarihan sa mga pulis at sa FBI lalo na ang paniniktik, pakikinig, pagbubukas ng email, pagiinteroga ng walang abogado, pagbibinbin sa mga POWs sa ilalim ng brutal at hindi makataong kalagayan at paglaba sa Convention ng Geneva at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Naniniwala kami na ang mga kapangyarihan ng pulisya at ang pagatake sa mga karapatang sibil ay hindi nakakapigil sa terorismo kundi naglalayong pigil ang mga tinig ng pagtutol dito. IPAGLABAN ANG MGA KARAPATANG SIBIL. Habang ang mga kontratista sa depensa tulad ng Lockheed Martin at Boeing ay tumatabo ng higanteng tubo mula sa pagkabaliw sa gyera, ang ibang mga korporasyon ay yumayaman sa pagdarahop ng mga uring anakpawis. Ang gobyerno ng US ay kinukulimbat ang mga kabangyaman at social security, kinukuha ang mga bilyong dolyar para ibigay sa mga korporasyon habang nawawalan ng mga trabaho at benepisyon ang mga manggagwa, nawawasak ang kanilang mga unyon at ang kanilang welfare ay nawawala. Ang bilyong ginagasta para sa gyera ay nanggagaling sa mga pangangailangang sosyal tyulad ng health care, edukasyon, kawalan ng trabaho at mga pangunahing pangangailangan ng mga taumbayan. Upang mahinto ang gyera sa ibayong dagat, ang pagyurak sa ating mga karapatang sibili, mga atakeng makalahi at atake sa ating uri ng pamumuhay, nanawagan kami sa lahat na magka-isa sa mga sumusunod na kahilingan: 1. Labanan ang Gyera ng US . 2. Baguhin ang patakarang mapanalakay at argesyon ng US 3. Labanan ang pagyurak sa ating mga karapatang sibil. 4. Ipaglaban ang mga karapatang sibil ng mga Muslim, Amerikanong-Arabao at lahat ng taong may -kulay. 5. Pera para sa trabaho, at sa mga kailangan ng mga tao hindi para sa Digma. Para sa impormasyon, dumalo sa aming mga miting o magboluntaryo: Angmga miting ay tuwing una at ikatlong Huebes ng buwan ika 6:30 ng gabi sa Peoples CORe, 300 W.Cezar Chavez Ave. Los Angeles, CA 90012. Back to Main Page |