Welcome to the Official Website of Palo National High School
[Home Page]

Labanan and SARS
SARS-I ang dapat!

Ano ang SARS?

Ang SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome ay isang uri ng sakit na pulmonya ang kahahantungan.

Ano ang mga sintomas ng SARS?

Para makumpirma kung kayo ay may SARS, kayo ay dapat nagkaroon ng mga sumusunod:

  1. Nagbiyahe kamakailan lamang sa mga bansang apektado ng SARS tulad ng Hongkong, China (Guandong, Shanxi, Beijing), Singapore at Vietnam.
  2. Nagkaroon ng ugnayan (nakatrabaho, nakasama sa tirahan, nag-alaga) sa taong may SARS.
  3. Nagkaroon ng mga sintomas ng SARS:
    1. Mataas na lagnat (mahigit sa 38 degrees centigrade)
    2. Pananakit ng kalamnan
    3. Pag-ubo, pagkahirap huminga, pamamaga ng lalamunan.

BABALA: Hindi dapat itulad ang hika sa SARS. Ang unang sintomas ng SARS ay katulad sa trangkaso.

Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang SARS?

Para maiwasan ang SARS:

S - paSiglahin ang katawan (kumain ng wastong pagkain, uminom ng mga bitamina A at C, regular ng mag-ehersisyo)
A - Awatin ang impeksyon. Iwasan ang mga taong may SARS.
R - magReport sa mga ospital kung kayo ay nakakaranas ng paghihirap sa paghinga kung sakaling kayo ay nagkaroon ng ugnayan sa taong may sakit na SARS.
S - Suriing mabuti ang mga sintomas. Maging mahinahon.
I - maniwala at magbigay lamang ng tamang Impormasyon.

Ang pneumonococcal at influenza vaccines ay hindi gamot laban sa SARS. Walang siyentipikong basehan ang balitang ang mga bakunang ito ay maaaring gamitin laban sa SARS.

Department Of Health

10 Utos Laban sa SARS

  1. Panitilihing malakas ang resistensya at malusug ang katawan.
  2. Ugaliin ang kalinisan ng katawan at palaging maghugas ng kamay.
  3. Takpan ang bibig kung inuubo o nababahin at huwag dumura kung saan-saan lamang.
  4. Kumunsulta agad sa isang health worker kapag nakakaramdam na ng sintomas.
  5. Huwag ikubli ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng mga balikbayan at turista.
  6. Mag self-quarantine ang mga balikbayan ng dalawang Linggo at obserbahan ang sintomas ng SARS.
  7. Sundin ng mga health workers ang "Universal Health and Safety Precautions" sa lahat ng pagkakataon.
  8. Magsuot ng "face mask" kung hinihinalang may sintomas ng SARS.
  9. Mag-ingat sa pakikisalamuha sa ibang tao kung mahina ang resistensya at may ibang sakit.
  10. Palaging linisin ang tahanan at kapaligiran.

SARS Hotline: 742-7048 / 743-1937
or
Type SARS space (message> and sent to 2960
E-mail: [email protected]
Interactivity by IT Club © Copyrights 2003 All Rights Reserved
Hosted by www.Geocities.ws

1