Pieta
PIETA


Ang pieta ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay "lubhang taimtim na pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa Diyos." Ganito ang ipinakita ni Hesus na tunay namang naging masunurin sa Kanyang Ama hanggang sa kamatayan man sa krus.

Ipinakikita ng Imahen ang pagkalong ni Maria sa duguang bangkay ng kanyang Anak na si Hesus nang Ito ay maibaba sa krus.

Makikita sa kaanyuan ni Hesus ang mga hirap at pasakit na Kanyang tiniis alang-alang sa kaligtasan ng tao. Natupad sa Kanya ang mga salitang, "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang sinomang sa Kanya ay sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3: 16)

Si Maria na Kanyang ina ay nakibahagi din sa mga hirap at sakit na dinanas ng kanyang anak na si Hesus.


Hosted by www.Geocities.ws

1