MGA KUBOL
Ang mga kubol ay kayarian na may mga gayak at larawan ng Santo. Dito sandaling ginugunita ang mga mahahalagang pangyayari o tagpo sa buhay ni Hesukristo, lalo na ang Kanyang pagpapakasakit.
Noong panahon ng Kastila ay mayroong 14 na kubol na bato sa paligid ng patio ng simbahan at dito idinadaos ang istasyon ng krus.
Sa panahon ng kuwaresma, sa Domingo de Ramos, ay may ilang kubol na niyayari at ginagayakan upang sa bawa't isa nito ay bigyang parangal si Hesus. Ang pari na kumakatawan kay Hesus ay inaawitan at sinasabuyan ng bulaklak bilang paggunita sa matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Herusalem.
|