Eraserheads version
written by Ryan Caybyab
pagmasdan ang ulan
unti-unting pumapatatak
sa mga halama't mga bulaklak
pagmasdan ang dilim
unti-unting bumabalot
sa buong paligid t'wing umuulan
kasabay ng ulan
bumubuhos ang 'yong ganda
kasabay ng hangin kumakanta
ma'ri bang wag ka na
sa piling ko'y lumisan pa
hangga't ang hangi't ula'y
tumila na
buhos na ulan
aking mundo'y puno ring tuluyan
tulad ng pag-agos mo
'di mapipigil ang puso kong
nagliliyab
pagibig ko'y upaapaw
damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka
pagmasdan ang ulan
unti-unting tumitila
ikaw ri'y magpapaalam na
ma'ri bang minsan pa
mahagkan ka't maiduyan pa
sa t'wing hangin't ulan
lamang ang saksi
minsan pa ulan, bumuhos ka
'wag nang tumigil pa
hatid mo ma'y bagyo
dalangin ito ng puso kong
sumasamo
pag-ibig ko'y umaapaw
damdamin ko'y humihiyaw
sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka
ma'ri bang minsan pa
mahagkan ka't maiduyan pa
sa t'wing hangin't ulan
lamang ang saksi
buhos na ulan
aking mundo'y puno ring tuluyan
tulad ng pag-agos mo
'di mapipigil ang puso kong
nagliliyab
pagibig ko'y upaapaw
damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka
minsan pa ulan, bumuhos ka
'wag nang tumigil pa
hatid mo ma'y bagyo
dalangin ito ng puso kong
sumasamo
pag-ibig ko'y umaapaw
damdamin ko'y humihiyaw
sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka