Eraserheads
isang araw...
pumunta ako sa tindahan ni aling nena para bumili ng suka
pagbayad ko aking nakita isang dalagang nakadungaw sa bintana
natulala ako, laglag ang puso ko
nalaglag rin ang sukang hawak ko
napasigaw si aling nena
ako naman ay parang nakoryenteng pusa
ngunit natanggal ang hiya ng nakita ko na nakatawa ang dalaga
panay ang sorry ko
sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko
pagdating sa bahay nagalit si nanay
pero oks lang ako ay in-lababo ng tunay
tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera
pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala
ngunit sabi ni aling nena habang maaga'y wag na raw akong umasa
anak niya'y aalis na papuntang canada
tatlong araw na lang ay babay na
tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera
hindi mapigil ang damdamin ako'y nagmakaawang magpakilala
payag daw siya kung araw-araw ay meron akong binibili sa tinda niya
ako'y pumayag at pinakilala niya sa kanyang kaisa-isang dalaga
ngunit ng makilala ay tumalikod na
at iniwan akong nakatanga
tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera
tindahan ni aling nena
dito nauubos ang aking pera
araw-araw ay naghihintay
o aling nena please naman maawa na
alam n'yong nangyari?
wala
wala
wala O DIYOS KO!
wala
wala
wala