Tabing-Ilog

Barbie's Cradle

sa ilog and mundo'y tahimik
ako'y nakikinig sa awit ng hangin
habang kayo'y hinihintay na sana'y dumating
bago magdilim

sa twina'y kandungan niyo ay duyan
panaginip na walang katapusan
ang ilog, hantungan niya'y pangako
ng iyong pagbabalik

ngiti
kasama ng hangin
luhang daloy ng tubig
sa ilog natin naglilihim

sa ilog ang mundo'y may himig
di sanang magpalit ang awit ng hangin
habang kayo'y hinihinytay
mata'y may ngiti
puso'y nananabik

sa twina'y kandungan niyo ay duyan
panaginip na walang katapusan
ang ilog, hantungan niya'y pangako
ng iyong pagbabalik

ngiti
kasama ng hangin
luhang daloy ng tubig
sa ilog natin naglilihim

sa ilog...


mail me

return to song lyrics

Hosted by www.Geocities.ws

1