Pare Ko

Eraserheads

pare ko meron akong problema
wag mong sabihing "na naman?"
in lab ako sa isang kolehiyana
hindi ko maintindihan

wag na nating idaan
sa maboteng usapan
lalo lang madaragdagan
ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

anong sarap
kami'y naging magkaibigan
napuno ako ng pag-asa
yun pala haggang dun lang ang kaya
akala ko ay pwede pa

masakit mang isipin
kailangang tanggapin
kung kelan ka naging siryoso
saka ka niya gagaguhin

o, diyos ko ano ba naman ito
di ba, 'tang ina
nagmukha akong tanga
pinaasa niya lang ako
lecheng pag-ibig to
diyos ko ano ba naman ito?

sabi niya
ayaw niya munang magka-siyota
dehins ako naniwala

di nagtagal
naging ganun na rin ang tema
kulang na lang ay sagot niya

ba't ba ang labo niya
di ko maipinta
hanggang kelan maghihintay
ako ay nabuburat na

pero minamahal ko siya
di biro
t.l. ako sa kanya

alam kong nababaduyan ka
na sa mga sinasabi ko
pero sana naman ay maintindihan mo

o pare ko
meron ka bang maipapayo
kung wala ay okey lang
kelangan lang ay
ang 'yong pakikiramay
andito ka ay ayos na

masakit mang isipin
kailangang tanggapin
kung kelan ka naging siryoso
saka ka niya gagaguhin

o, diyos ko ano ba naman ito
di ba, 'tang ina
nagmukha akong tanga
pinaasa niya lang ako
lecheng pag-ibig to
diyos ko ano ba naman ito?
di ba, 'tang ina
nagmukha akong tanga
pinaasa niya lang ako
lecheng pag-ibig to
diyos ko ano ba naman ito?


mail me

return to song lyrics

Hosted by www.Geocities.ws

1