Muntik nang Maabot ang Langit

True Faith

muntik nang maabot ang langit
at makupkop ka sa'king mga kamay
karapat-dapat nga bang mapasaakin
ang pag-ibig na 'yong taglay

ilang ulit na rin
na ako'y nagsumamo
upang nayong puso ay aking makamit

muntik nang maabot ang langit

walang papantay sa 'king katapatan
higit pa talaga sa kanilang kayamanan
sa'n nga ba ako nagkamali
at ako ay iyong pinahirapan?

ilang ulit na rin
na ako'y nagsumamo
upang nayong puso ay aking makamit

muntik nang maabot ang langit
muntik nang maabot ang langit

ang langit sa'yong puso
muntik ng mailapit
ngunit 'kaw na ngayo'y
alaalang kay pait

muntik nang maabot ang langit
ang langit


mail me

return to song lyrics

Hosted by www.Geocities.ws

1