Wolfgang
sa pagmulat
ng aking mata
'ko'y ginising
ng ihip ng hangin
at sikat ng araw
makulay
sa may ilog
parang may tumatawag
ako'y lumalapit
sa puno'y may natanaw
dumilim ang araw
ako'y nawala sa aaking sarili
tibok ng puso'y bumilis
ako'y hindi mapakali
ako'y naguguwal
sa pagtitig ng kanyang mata
ako'y kanyang hinusgahan
ligaya kong naramdaman
binawi sa akin
at hindi ko maalala kung
saan galing itong,
mga bahid ng dugong
dumikit sa aking mga kuko
tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
lalamunan ko'y tuyong-tuyo
tumakbo, lumayo sa titig mo
sa mata ng Diyos
biglang umikot ang paningin
liawang ng araw ay dumilim
malambing na ihip ng hangin
ngayon ay matalim
ako'y nawala sa aking sarili
pati lupa ay gumanti
bato, bundok at puno man
sumisigaw, sumisigaw
at ngayon ko nakikita
ang lahat ng kasalanan
tinaboy sa ulan
init at kamunduhan
tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
lalamunan ko'y tuyong-tuyo
tumakbo lumayo at magtago
sa mata ng Diyos
inalok ako ng isang ahas,
pula't matamis na mansanas
pilit ko man, hindi makaiwas
sa mata ng Diyos
~ thanks to k