Kanlungan

Noel Cabangon

pana-panahon ng pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?

natatandaan mo pa ba
na'ng tayong dal'wa ay unang magkita?
panahon ng kamusmusan
sa piling ng mga bulaklak at halaman
doon tayo nagsimula
mangarap at tumula

natatandaan mo pa ba?
inukit ko'ng puso sa punong mangga
at ang inalay kong gumamela
magkahawak-kamay sa dalampasigan
malayang tulad ng mga ibon
ang gunita ng ating kahapon

ang mga puno't halaman
ay kabiyak ng ating gunita
sa paglipas ng panahon
bakit kailangan ding lumisan?

pana-panahon ng pagkakaton
maibabalik ba ang kahapon?

ngayong ikaw ay nagbalik
katulad ko rin ang 'yong pananabik
makita ang dating kanlungan
tahanan ng ating tula at pangarap
ngayon ay naglaho na
saan hahanapin pa?

lumilipas ang panahon
kabiyak ng ating gunita
ang mga puno't halaman
bakit kailangan lumisan?

pana-panahon ng pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?

lumilipas ang panahon
kabiyak ng ating gunita
ang mga puno't halaman
bakit kailangan lumisan?

pana-panahon ng pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?


mail me

return to song lyrics

Hosted by www.Geocities.ws

1