Harana

Parokya ni Edgar

uso pa ba ang harana?
marahil ikaw ay nagtataka
sino ba 'tong mukhang gagong
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba?

meron pang dalang mga rosas
suot nama'y maong na kupas
at nariyan pa ang barkadang
nakaporma, naka-barong
sa awiting daig pa'ng
minus-one at sing-along

puno ang langit ng bitwin
at kay lamig pa ng hangin
sa 'yong tingin ako'y nababaliw, giliw

at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana
para sa'yo

hindi ba't parang isang sine?
isang pelikulang romantiko?
hindi ba't ikaw ang bidang artista
at ako ang 'yong leading man
sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas

puno ang langit ng bitwin
at kay lamig pa ng hangin
sa 'yong tingin ako'y nababliw, giliw

at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana
para sa'yo


mail me

return to song lyrics

Hosted by www.Geocities.ws

1