|
Noong bata pa ako, marami na akong naririnig na mga kwento tungkol sa mga kung
ano anong klaseng maligno. Lalo na sa probinsyang ito. Mga matatanda dito ay
kanya kanyang istorya na akala mo naman ay totoo lahat. Sa tuno ng mga
pananalita nila, maniniwala ka nga. Ako naman ay mahilig makinig ng mga kwento
kwento, lalo na kung tungkol ito sa mga nakakatakot na nilalang. Pero ito ay dahil
natutuwa lang ako at ang aking imaginasyon ay nahahasa. Hindi ibig sabihin nito
ay totoo nga na naniniwala ako. Hangang sa isang araw...
Mahilig akong umupo sa tabing dagat, lalo na pag palubog na ang araw. Palaging
presko at parang buhay na buhay ako pag nakikita ko ang araw na lumulubog.
Kung minsan ay akong mag-isa lang ang pumupunta sa tabing dagat. Iyong mga
kaibigan ko at pinsan kasi ay hindi naman mahilig dito. Nais lang ng mga yun ay
kumain, matulog, at maglaro sa tanang buhay nila. Pero ako, iba ang hilig ko.
"Hoy! Pedro, ano ba ang nagugustuhan mo dyan sa pag lubog ng araw na yan?
Hindi ba dapat eh umuwi ka nalang at manood ng Bionic man?", sabi ni
Manol. "Eh ok na ako dito total marami din namang nanonood ng
TV kina tita Inday eh. Sige na, ok na ako dito at ito talaga ang hilig ko".
Manol: "Sus, dyan ka na nga. Bahala ka na".
Palubog na ng palubog ang araw at ilang segundo nalang ay mawawala na
ito. Tinatanong ko ang sarili tuwing nawawala ang araw kung sa ibang sulok
kaya ng daigdig ay lumalabas ito at nagbibigay ilaw. HIndi ko naman masagot
sagot ito at naisip nalang na tanungin ko nalang ang guro ko sa grade 2.
Ayaw ko pang umuwi sa bahay dahil nais kung maramdaman ang simoy ng
malamig na hangin. Pinikit ko ang aking mga mata at bigla akong may
naamoy na nakakaiba sa kapaligiran ko.
Sininghot singhot ko ang kapaligiran para malaman kung saan nanggagaling
ang naaamoy kung mabaho. Hindi ko naman makita kung saan ito pero
bigla kung naalala ang amoy ng lolo. Madalas kasing yumu yup yup ito ng tobacco.
Tinawag ko ang pangalan ng lolo, pero hindi naman sinasagot ang tawag ko.
Akala ko nga niloloko ako dahil palabiro ang lolo ko. Hangang akoy na inis
na at tumayo sa kinauupuan ko.
Paakyat na ako sa isang seawall at may bumagsak sa tuktuk ng ulo ko.
Kinapa ko ito at winaswas. Nagtaka ako dahil puros abo ang nahulog sa akin.
Wala naman kakong sunog sa taas ng niyog. Bigla namang tumayo lahat ang
malilit kung palahibo sa katawan. Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko.
Hindi ko naman matiis at tumingala ako sa taas ng puno ng niyog. At sa
pagkakataong ito, lahat ng kwento na pumasok sa ulo ko ay biglang nagkatotoo.
Sa pag tingin ko, nakita ko ang isang tao na ang ulo ay ulo ng kabayo. Sa
kanang kamay nito ay may hawak na napakalaking tobacco. Napakalaki nya
compara sa isang katulad ko. Ang kanyang mata ay sumisiga na kasing pula
ng nagbabagang apoy. Ako ay parang naging estatwa na hindi makagalaw
sa takot. May isang minuto rin na nakatitig ako sa kanyang mga mata at
parang ako ay kanyang pinapatay unti unti. Tinawag ko na yata ang lahat ng santo
na alam ko at bilis bilis ang pagdasal na sana ay panaginip lamang ito.
Ngunit walang nangyari at nakikita ko na ang katawan ko na nanginginig sa
takot. Pinikit ko ang aking mga mata ng itoy biglang gumalaw patungo sa
kinalalagyan ko. Sabay takbo sa pinakamalapit na bahay. Noong nakapasok ako
namumutkla raw ang aking mukha at biniro pa ng pinsan ko na si Manol
kung nakakita nga raw ako ng multo. Hindi ko na pinansin si Manol at
sabay takbo ako sa lolo ko. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nakita ko sa tabing
dagat.
Natawa lang ang lolo at niyakap ako. "Sabi ko naman sayong bata ka na
pag lumubog na ang araw ay umuwi ka na kesa magbabad ka dyan
sa pag lubog ng araw na yan. Nakita ko na rin yan minsan at kung sa
tutuusin pa nga, naisabit pa ako ng kaibigan natin sa isang puno ng niyog
noong ako ay nagbibinata palang. Pero, wag kang mag aalala at mabait naman
yan. Hindi ka naman gagalawin nyan hangang wala kang ginagawang
masama sa kanya. Kaya maswerte ka pa rin".
Tinanong ko sa lolo kung ano ang tawag nya sa kaibigan nyang ito.
Ito raw ay isang tikbalang. O ano, hangang dito nalang ang istorya na ito.
Ewan ko naman kung maniniwala kayo, pero ok lang kung hindi.
HIndi rin nga ako naniwala sa lolo sa ipinagtapat nya sa akin noon eh.
Pero ang pinagtatakahan ko lang, noong nag kakaisip na ako,
ang boong bayan ay alam kung anong nangyari sa lolo ko noong
nagbibinata palang sya. Maniwala kaya kayo....
|
|