| - b a m p i r a - |
| s e p t e m b e r 0 1, 2 0 0 0 |
| by O.P.Bautista |
![]() |
Mahilig mag lakwatsa itong ating bida. Minsan pa nga, inaabot na ng gabi sa daan dahil kung ano anong milagro ang ginagawa nitong si Resting. Maririnig mo lang minsan may sumisipol sa hating gabi at akala mo kung sinong maligno na ito. Pero nakasanayan na rin ng taga dito ang mga sipol at hiyaw nya tuwing maghahating gabi o kaya mag-uumaga na. Kaya kadalasan ay hindi na naiisturbo o naiinis ang mga tao dito. Ilang beses ng nasermonan at nasermonan itong si Resting, pero matigas talaga ang kanyang ulo. Humihinga nalang ng malalim ang kanyang ama o ina sa twing ito ay may nagagawang kalokohan. Halos maubos na ang buhok ng kanyang itay sa kakadakdak tungkol sa mga bisyo ni Resting. At naabok rin ng kanyang ama ang dulo ng kadulohan ng pasensya. Kaya ngayon, itong si Resting ay libreng libre na sa kanyang mga bisyo. Wala na syang naririnig sa kanyang magulang o mga kapatid. Tatay: Kailan kaya magbabago ang anak nating yan? Lugi na ang negosyo ko sa anak nating yan ah. Ni ayaw magbanat ng buto. Tumatanda yatang sobra pa sa paurong. Nanay: Naku, hayaan mo lang sya. Isang araw magigising rin sya sa kalokohan nya. Ang hinihiling ko lang ay magising sya habang bata pa sya at tayo ay buhay pa. Tatay: Bahala na. Habang ang mag asawa ay nagkwe-kwentuhan tungkol sa problema sa kanilang anak, ito namang si Resting ay inom ng inom ng alak sa bahay ng kanyang kaibigan. Puros kantahan at babae ang laman ng konbersasyon nila. Ambing: Ano na ba ang plano mo sa buhay, ha? Wala na tayong ginawa kundi mag good-time. Ayaw nyo bang baguhin ang takbo ng mga mundo nyo? Resting: Ano pa bang buhay ang gusto mo? Ayaw mo ba ng ganito? Wala tayong ka-proble problema. May trabaho ka nga, ubos naman sa kung anong gastos. Kaya alam nyo ba, ayaw ko ring mag-asa-asawa na yan. Problema rin yan. Andoy: Basta ako, gusto ko ng tahimik na buhay. Resting: Tahimik??? Ano ka lasing na? Hoy, habang buhay ka, hindi ka matatahimik! Ha-ha-ha-ha!!! Tsaka babae lang ang mga yan. Kayang kaya natin lahat yan. Noong maisipan na ng mag barkada na umuwi, kanya kanya silang nag lakad patungo sa kani kanilang bahay. Itong si Resting ay mahilig maglakad sa tabi ng dagat. Maganda daw dito at nakakaaliw pakinggan ang tunog ng alon. Sya lahat ng mag barkada, sya ang pinakamatapang, kaya tuloy maski saang sulok sya mapadpad ay wala syang pakialam. Alam nya kasi na kaya nyang dalhin ang kanyang sarili. Ngunit lahat ay may hangganan. At itong gabing ito, ang pagbabago na matagal ng inaasam ng pamilya ni Resting ay makakamit din. Habang naglalakad ay sumisipol ito ng "maybe first love never ever dies....." at naka-kita ng isang napaka gandang babae. Ang kutis nito ay ubod ng puti pati na rin ang kanyang suot na magarang damit. Napahiyaw sa tuwa itong si Resting at nilapitan ang estrangherang babae. Lahat na ng pick-up lines na alam ay nagamit na pero wala pa ring imik ang magandang dilag. Resting: Miss, bakit ba kayo naglalakad ng hating gabi dito? Mamaya baka mapaano kayo. Ano nga ba uli ang pangalan mo? Magandang babae: Ano ba ang pakialam mo? Resting: Wala naman. Napaka ganda mmmo kasi para maglakad mmmag-isa dito. Sabay hagilap ng kamay ng babae. Nang masilayan ang anyo ng dilag, napatingin si Resting sa kanyang mga llabi. Nanginig si Resting sa kanyang nakita. Ang magandang babae ay may pangil na lumabas at handa ng tuklawin sa leeg si Resting. Biglang umiwas ito at nag ala The Rock silang dalawa sa dagat. Abangan... |